Sunday, April 19, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsRobbery suspect ng 2 resto sa Malolos, arestado sa hot pursuit operation

Robbery suspect ng 2 resto sa Malolos, arestado sa hot pursuit operation

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Naaresto ng mga pulis ang isang lalaki na sangkot sa magkahiwalay na robbery sa dalawang magkatabing restaurant sa Barangay Mojon sa nasabing lungsod nuong Saturday (April 11).

Base sa naging sa ulat ni P/Lt. Col. Rommel E. Geneblazo, hepe ng Malolos City Police Station, naaresto ang suspek na isang 18-taong-gulang at residente ng Barangay Tiaong, Guiguinto, Bulacan. Isinagawa ang kanyang pag-aresto ng mga tauhan ng Malolos CPS matapos magsagawa ng hot pursuit operation makaraan ng insidente.

Batay sa imbestigasyon, nadiskubre ang insidente bandang ala-1 ng hapon ng Abril 11, 2026 nang buksan ng mga may-ari ang dalawang magkatabing restaurant sa Barangay Mojon. Gayunman, naiulat lamang ang insidente sa Malolos CPS bandang 12:30 ng madaling araw ng Abril 12, 2026 dahil sa kanilang patuloy na operasyon sa negosyo.

Sa pagsusuri ng CCTV footage, lumalabas na unang pinasok ng suspek ang isa sa mga restaurant bandang alas-4 ng madaling araw, kung saan sapilitan nitong pinasok at hinalughog ang loob ng establisimyento. Ayon sa paunang ulat, walang nawalang pera o gamit mula sa naturang lugar.

Bandang alas-4:30 ng madaling araw ng parehong araw, pinasok din ng suspek ang kabilang restaurant kung saan tinangay nito ang tinatayang P50,000.00 na cash mula sa loob ng establisimyento. Matapos matanggap ang ulat, agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga tauhan ng Malolos CPS na nagresulta sa agarang pagkakaaresto ng suspek.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Malolos CPS ang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanya sa Office of the City Prosecutor. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News