Wednesday, April 29, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews‘Akyat Bahay’ gang member, ‘laglag’ sa Malolos PNP

‘Akyat Bahay’ gang member, ‘laglag’ sa Malolos PNP

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Arestado ang isang lalaki na hinihinalang miyembro ng Akyat-Bahay gang matapos ang mabilis na aksyon ng mga operatiba ng Malolos City Police Station sa isinagawang hot pursuit operation nu’ng Martes (April 28).

Ayon kay P/Lt. Col. Rommel E. Geneblazo, Malolos chief of police, ang suspek ay isang tricycle driver, at residente ng Brgy. Caingin, Malolos City, Bulacan.

Batay sa paunang imbestigasyon, bandang alas-2:40 ng madaling araw, iligal na pumasok ang suspek sa inuupahang bahay ng biktimang si alyas “Cel”, 33 taong gulang, at tinangay ang halagang P40,000.

Nasaksihan umano ng anak ng biktima ang pangyayari matapos siyang magising at makita ang suspek na aktuwal na nagnanakaw sa loob ng kanilang tahanan.

Agad na iniulat ang insidente sa barangay at sa Malolos PNP, dahilan upang magsagawa ng agarang Hot pursuit operation ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek sa Brgy. Catmon.

Narekober din ang tricycle na ginamit bilang getaway vehicle. Gayunman, hindi na narekober ang ninakaw na pera.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Malolos CPS para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

Patuloy ang paalala ng kapulisan sa publiko na maging mapagmatyag at agad ireport ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa komunidad. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News