SAN RAFAEL, Bulacan — Nagpamahagi ang Municipal Agriculture Office ng mga buto at binhing gulay sa mga Punong Barangay bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa sektor ng agrikultura sa nasabing bayan.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Municipal Agriculturist Ma’am Rea Joy Calderon, kasama sina Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. at Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente.
Ayon sa tanggapan, layunin ng pamamahaging ito na hikayatin ang mga komunidad na palakasin ang produksyon ng sariling pagkain. Bahagi ito ng HAPAG Program at ng adbokasiyang “Gulayan sa Bawat Tahanan,” na nagtataguyod ng pagtatanim sa bawat kabahayan.
Inaasahang makatutulong ang inisyatibang ito sa pagpapalakas ng food security at pagsusulong ng mas malusog na pamumuhay sa komunidad. (UnliNews Online)
Source: San Rafael Bulacan (fb)

