Wednesday, September 18, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial News700K indibidwal sa Zambales, nairehistro na sa PhilSys

700K indibidwal sa Zambales, nairehistro na sa PhilSys

IBA, Zambales — Nasa 744,041 indibidwal na sa Zambales ang nairehistro ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Philippine Identification System (PhilSys).

Ito ay katumbas ng 91.5 porsyento ng 813, 075 na target mairehistro ngayong taon.

Inilahad ni PSA Chief Statistical Specialist Norman Bundalian na may 406,702 PhilSys ID cards na ang naipamahagi sa mga nagparehistro sa lalawigan mula Mayo 1, 2021 hanggang Marso 31, 2023, base sa ulat ng Philippine Postal Corporation.

Nasa 195,445 indibidwal naman ang nabigyan na ng E-PhilID o electronic Philippine Identification mula Oktubre 3, 2022 hanggang Marso 31, 2023.

Ito aniya ay kaugnay sa pangako ng ahensya na maihatid ang benepisyo ng pagpaparehistro sa PhilSys gayundin ay maisakatuparan ang digital transformation sa pamamagitan ng patuloy na paglulunsad ng E-PhilID.

Samantala, patuloy naman na hinihikayat ng PSA Zambales ang mga hindi rehistradong indibidwal na samantalahin ang patuloy na pagpaparehistro sa PhilSys.

Nagsasagawa rin ng barangay mobile registration at school-based registration upang mailapit ang serbisyo sa publiko.

Ang PhilID at E-PhilID ay nagsisilbing mga opisyal na ID na magagamit sa mga transaksyon sa mga ahensya ng gobyerno at pribadong establisyimento.

Source: PIA 3

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments