Wednesday, May 20, 2026
Amana Water Park
HomeSport NewsMarilao Gems, tinalo ang Sulong Calumpit sa Season 3 Juniors Finals

Marilao Gems, tinalo ang Sulong Calumpit sa Season 3 Juniors Finals

LUNGSOD NG MALOLOS — Patunay sa kanilang dominasyon pagdating sa court, matagumpay na nakumpleto ng koponan ng Marilao Gems sa Juniors Division ang malinis na 2-0 sweep laban sa Sulong Calumpit sa Season 3 Finals ng panlalawigang All Stars Champions Basketball League (ACBL) Makata Cup upang maselyuhan ang kanilang ikatlong sunod na kampeonato kamakailan sa Bulacan Capitol Gymnasium dito.

Dinomina ng mga Marilenyo ang mga Calumpitenyo, 100-80, sa Game 1 bago nakaligtas sa isang kapana-panabik na overtime clash sa Game 2, 94-91, upang tuluyang makumpleto ang finals sweep.

Ipinahayag ng Season’s MVP na si Harvae Raymundo ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng kanilang tagumpay.

“Season’s MVP ako, sobrang grateful ako. Pinapasalamatan ko si Lord siyempre binigyan Niya ako ng lakas everyday sa mga ensayo ko sa school, ensayo ko ulit dito sa Marilao Gems. Thank you rin sa mga boss namin at sa buong pamilya ng Marilao Gems,” aniya.

Samantala, nag-iwan naman ng mensahe ng motibasyon si Marvin James “MJ” Raymundo, kapatid ni Harvae at itinanghal na Finals MVP, para sa mga Bulakenyong manlalaro, lalo na sa mga kabataang nangangarap na makapaglaro sa mas malaking entablado balang araw.

“Para sa mga batang nanonood na gusto ring makapaglaro ng basketball, maniwala lang kayo sa mga sarili ninyo at saka siyempre samahan ng paniniwala sa Diyos, at kailangan [din] ng trabaho. Hayaan ninyo na ‘yung resulta na mangyari, trabaho lang nang trabaho. May resulta o wala basta magtrabaho lang nang magtrabaho,” aniya.

Nakasama rin ng magkapatid na Raymundo sina Cyril Hernal (1San Rafael), Mark Gil Belmonte (Sulong Calumpit), at Warlo Batac (City of Malolos Republic) sa Mythical 5 ng Juniors Division.

Nakuha naman ng City of Malolos Republic ang tansong medalya matapos manaig laban sa 1San Rafael. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News