TUMANGGAP si Gobernador Daniel R. Fernando ng People’s Governor Excellence Award mula sa World Class Excellence Japan Awards (WCEJA) sa 10th Anniversary nito na ginanap sa Heritage Hotel Manila, Lungsod ng Pasay kamakailan.
Panibagong parangal, panibagong inspirasyon. Isang Bulakenyo. Isang parangal. Libo-libong inspiradong mamamayan.
Hindi para sa kanya ang parangal. Inialay ito ni Gob. Daniel R. Fernando sa bawat Bulakenyo ang nagsisilbi raw niyang lakas para ipagpatuloy ang tapat at makabuluhang serbisyo sa lalawigan.
“Naniniwala tayo na ang tunay na paglilingkod ay ang pagbibigay-kapangyarihan sa mamamayan ang pagbubukas ng oportunidad sa edukasyon, kabuhayan, at serbisyong magpapabuti sa kanilang pamumuhay. Kapag ang mamamayan ay nagiging kabahagi sa pag-unlad, mas nagiging matatag at makabuluhan ang pagbabago,” pahayag ng People’s Governor.
Sa loob ng isang dekada, kinikilala ng WCEJA ang mga lider, imbentor, artista, at lingkod-bayan na nagbigay-inspirasyon at nagpabago ng buhay sa komunidad. Ayon kay WCEJA Founder at Chairman Emma Cordero, ang parangal ay “testamento sa magagawa kapag nagsama-sama ang passion, dedikasyon, at intensyon”.
“May this award serve not only as a symbol of achievement but also as a reminder that your work continues to inspire others”. dagdag ni Cordero.
Kabilang din sa mga pinarangalan sina PAO Chief Persida Acosta, Sid Lucero, Mon Confiado, Angel Aquino, Rio Locsin, Ian De Leon, at Imelda Papin. (UnliNews Online)

