Tuesday, May 21, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsIsang araw na kulitan, saya at tuwa, para kay Lolo at Lola...

Isang araw na kulitan, saya at tuwa, para kay Lolo at Lola — Mayor Roque

PANDI, Bulacan — Walang mapagsidlan ng tuwa ang mga senior citizen ng nabanggit na bayan nang ipagdiwang ng sabay-sabay ang mga may kaarawan ng buwan ng Enero, Pebrero at Marso kasama si Mayor Rico Roque.

Ayon kay Mayor Roque, isang araw na puno ng kulitan, saya at tuwa ang inihandog sa ating mga Lolo at Lola na nagdiwang ng kanilang kasama sina Bokal Ricky Roque, Vice-Mayor Lui Sebastian at mga konsehal ng Pandi.

“Hindi ko po hahayaan na hindi kayo makasama sa isa sa mahalagang araw sa inyong buhay, ang inyong kaarawan. Ang akin pong taos-pusong pagbati sa lahat sa inyo at taimtim na panalangin na kayo po ay bigyan pa ng lakas at magandang kalusugan Happy Birthday po aming mga Lolo at Lola,” ani Mayor Roque.

Malugod na nagpasalamat ang alkalde sa mga senior citizens na nagsidalo, nakisaya at nakasama para sa selebrasyong ito.

Nagpasalamat din si Mayor Roque sa MSWDO, OSCA sa pangunguna ni Nanay Lydia kasama ang mga coordinators, sa ating FSCAP President Tatay Berting, kay Mam Apple Cruz at sa ating PILAK.

“Sa ating mga April, May at June celebrants kayo na po ang susunod,” ani Mayor Roque. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments