PANDI, Bulacan — Binigyang-pugay ang mga senior citizen sa Bayan ng Pandi sa pamamagitan ng Senior Citizens’ General Assembly na pinangunahan ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) bilang bahagi ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Week.
Tampok sa pagtitipon na pinangunahan ni Mayor Enrico Roque ang pagkilala at pasasalamat sa mga nakatatanda dahil sa kanilang mahalagang ambag sa lipunan, walang sawang paglilingkod, at patuloy na pagiging inspirasyon sa kanilang mga pamilya at komunidad.
Naging makabuluhan ang aktibidad sa pagbabahagi ng saya at pagkilala sa mga lolo at lola, na patuloy na nagsisilbing haligi ng pamilya at mahalagang bahagi ng pamayanan.
“Ang pagmamahal, paggalang at pasasalamat sa ating mga nakatatanda ay hindi lamang ipinagdiriwang sa isang linggo, kundi dapat isabuhay araw-araw,” ani Roque.
“Maraming salamat sa ating mga Lolo at Lola! Saludo ang buong Pandi sa inyong pagmamahal, malasakit at paglilingkod,” dagdag pa ng alkalde. (UnliNews Online)

