Monday, October 26, 2026
Amana Water Park
HomeNews In Photo‘Tara Trabaho, G?’ Mega Job Fair

‘Tara Trabaho, G?’ Mega Job Fair

BINUKSAN ng mga opisyal at kinatawan ng iba’t ibang ahensiya ang “Tara Trabaho, G?” Mega Job Fair sa pamamagitan ng isang ribbon-cutting ceremony noong Oktubre 23, 2026, sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan, upang maghatid ng mahigit 2,500 lokal at overseas na oportunidad sa trabaho para sa mga Bulakenyo. Pinangunahan ang seremonya nina (mula kaliwa) Jose Roberto Navata, na kumakatawan kay DOLE Region III Director Abgd. Sarah Buena Mirasol; Provincial Public Employment Service Office (PPESO) Manager Inh. Egbert Robles; Lungsod ng Malolos Vice Mayor Inh. Gilbert “Bebong” Gatchalian, na kumakatawan kay Senate President Sherwin Gatchalian; Win Action Center Chief of Staff Anthony Alcantara; John Joseph Gaza, na kumakatawan kay DMW Bulacan Head Abgd. Juan Miguel De Leon; at Agatha Santos, na kumakatawan kay Bise Gob. Alexis C. Castro. INSET: Ikinagalak ni Hannah Dela Cruz mula sa Pandi, Bulacan ang kanyang pagkakatanggap agad sa trabaho bilang Production Aide.

Larawan: Provincial Public Affairs Office

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News