LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Sinuri ng Bulacan Police Provincial Office (Bulacan PPO) sa pangunguna ni Col. Jay B. Baybayan, Acting Provincial Director, ang mga linya ng komunikasyon nito upang matiyak ang mabilis na koordinasyon at agarang pagtugon sa mga insidente sa panahon ng paggunita ng Undas 2026.
Ang inspeksyon at monitoring sa mga communication line sa Camp General Alejo S. Santos ay bilang bahagi ng paghahanda ng kapulisan para sa paparating na Undas.
Layunin ng aktibidad na matiyak ang maayos na paggana ng mga linya ng komunikasyon upang mapabilis ang pagpapalitan ng impormasyon, mapalakas ang koordinasyon ng mga yunit ng pulisya, at matiyak ang agarang pagtugon sa mga emergency at iba pang insidente.
Ayon sa Bulacan PPO, patuloy nitong paiigtingin ang koordinasyon at kahandaan ng mga tauhan upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan ng publiko sa buong panahon ng Undas. (UnliNews Online)
Source: Bulacan Police Provincial Office (fb)

