Friday, December 6, 2024
Amana Water Park
HomeBulacan UnliNewsBodega ng paputok sa Bocaue sumabog, 18 sugatan

Bodega ng paputok sa Bocaue sumabog, 18 sugatan

BOCAUE, Bulacan — Isang bodega nang paputok ang sumabog Huwebes ng madaling araw na ikinasugat ng labing walo katao at tumupok ng ilang bahay sa Barangay Bunducan sa nabanggit nabayan.

Base sa inisyal na ulat ng Bocaue Bureau of Fire and Protection (BFP) naganap ang pagsabog dakong alas-2:10 ng madaling-araw na nagsimula sa bodega ng paputok na pag-aari ng isang Nenita Oprecio.

kay Fire Senior Insp. Earl Mariano, Fire Marshal ng Bocaue BFP nagsimula ang pagsabog nang mayroong nag-spark sa nasabing bodega at makalipas ng ilang minuto ilan minuto ay bigla na itong sumabog at unti-unti nang kumalat ang apoy sa mga kalapit-bahay.

Nabatid na 18 katao ang nagtamo ng minor burn injuries at wala namang iniulat na nasawi sa nasabing sunog na umabot sa ikalawang alarma.

Napag-alaman na marami umanong naka-imbak na mga paputok at mga finished fireworks products sa nasabing bodega kung saan nagkalat sa paligid ng pinangyarihang insidente ang mga fireworks materials gaya ng mga luces at fountain.

Una ayon sa mga saksi, nakarinig ang mga residente ng malakas na pagsabog na nagdulot ng pagkasira ng mga bintana at kisame ng mga kalapit-bahay.

Ayon kay Col. Relly Arnedo, Bulacan provincial director hinihinalang mayroon mga naka-imbak na mga pulbura at iba pang mga kemikal sa paggawa ng paputok sa nasabing bodega na siyang iniimbistigahan ng kapulisan.

Idineklara naman ng Bocaue BFP na fireout na ang sunog bandang alas-5 ng umaga habang ang mga nasugatang biktima ay dinala sa mga pagamutan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments