Friday, September 20, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsResponsableng paglilingkod ni VM Tugna sa Bayan ng Bocaue

Responsableng paglilingkod ni VM Tugna sa Bayan ng Bocaue

Nina Verna Santos at Allan Roi Casipit

BOCAUE, Bulacan — Naging responsable si Vice Mayor Atty. Sherwin Tugna bilang pangalawang ama ng Bayan ng Bocaue mula sa unang araw ng manungkulan hanggang sa unang taon termino ay wala siyang sinayang na oras at panahon para maglingkod sa mamamayan ng Bocaue.

Kahit pa tumatayo siyang ama at ina sa apat nilang anak ng yumaong Mayor Joni Villanueva- Tugna patunay lamang ito na siya ay responsable na handang balikatin ang lahat ng responsibilidad na may buong pusong pagmamahal sa kapwa at tapat sa kanyang pinanggalingan.

Kabilang sa tinutukan ni Vice Mayor Tugna ay ang trabaho para sa kanyang mga kababayan upang mai-angat ang antas ng pamumuhay ng bawat bocaueño sa pamamagitan ng pagdadagdag ng trabaho. At sa unang taon ng kaniyang paglilingkod ay nabigyan ng hanapbuhay ang 1,192 na kababayan.

At may mga livelihood program din na inilaan ng sa gayon ay magkaroon ng mapagkakak para ‘di na mangamuhan pa at malayo sa pamilya. Tulad ng programang kanyang inilapit sa nasyunal sa tanggapan ng DOLE – Integrated Livelihood Program (DILP) na binabaan ng pondo na may kabuuang halaga na Php 1,000,000 na pinaghati- hatian ng mga mapalad na beneficiaries na sumailalim sa training upang magamit na puhunan at pambili ng mga kagamitan para makapag- simula ng negosyo.

Pinag tuunan din ni Vice Mayor Tugna ang kalusugan partikular na sa mga kababaihan at mga senior citizens umabot sa 1,174 ang napagkalooban ng free medical assistance.

Samantala nasa 698 na mahihirap naman na Bokawenyo ang nakatanggap ng tulong pinansyal at 520 pamilyang nawalan ng mga mahal sa buhay ang naabutan ng burial assistance. Bukod dito, nasa 266 na kabataaang Bocaueño naman ang nabahagian ng educational assistance.

Bilang “abogado ng masa”, mahigit dalawang daaang (260) Bocaueño ang nabigyan ni Vice Mayor Tugna ng free legal services and assistance.

At dahil presiding officer ng Sangguniang Bayan (SB),sinisigurado ni Vice Mayor Tugna ang mabilis na pagpasa ng mga de-kalidad na resolusyon at ordinansa upang tumugon sa pangangailangan ng mga Bocaueño at magsulong ng good governance.

Marami nang nagawa at napaglingkuran si Vice Mayor Tugna Katuwang si Mayor Jonjon ” JJV” Villanueva kasama ang mga konsehal ng Solid Lingkod Bayan.

Sinabi ni Vice Mayor Tugna, marami pa siyang dapat gawin at tulungan kaya hiling nito na patuloy na magkaisa sa patnubay ng Diyos.

At sa alaala ni Mayor Joni Villanueva-Tugna, sabay-sabay tayong uunlad at giginhawa, pagtatapos na wika pa nito. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments