Wednesday, September 18, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionAla BiraTop 10 Performing Mayors ng Batangas, inilabas

Top 10 Performing Mayors ng Batangas, inilabas

DOON sa mga kababayan ko na nagbabasa ng ALA-BIRA at nagtatanong kung anu na ang “lagay o status” ng PLUNDER CASE ni Calaca Mayor Nas Ona na isinampa sa Ombudsman nina Ysabelo V. De Joya ng Brgy. Dacanlao at Christian E. Bendana, residente ng Brgy. Caluangan Calaca, Batangas noong March 18, 2022.

PASENSYA NA PO SA NAGTATANONG. Ang layunin lang po ng aking kolum ay pumuna sa nga maling ginagawa ng awtoridad na nanunungkulan lalo na ang mga halal ng bayan, kapulisan na mayroong ginagawang illegal activities..

’Yan pong sinasabi ninyong kaso ni Calaca Mayor Ona ay hindi po natin sakop. Ang korte na po o ang Ombudsman ang nakakaalam niyan.

Napag-usapan na rin lang natin itong si Mayor Nas Ona, hindi po siya nakasama sa TOP 10 PEFORMING MAYORS NG BATANGAS base ito sa ulat na inilabas ng kamakailan ng HYPOTHESIS PHILIPPINES, isang market research ang strategy.

Ang nasabing sampung mayor ay kinabibilangan nina 1. Mayor Beverly Rose Dimachua (Batangas City), 2. Eric Africa (Lipa City), 3. Arth Jun Marasigan (Sto. Tomas), 4. Ildebrando Salud (San Juan), 5. Emmanuel Salvador Fronda, (Balayan), 6. Ryan Dolor (Buan), 7. Antonio Jose Barcelon (Nasugbu), 8. Jose Kerrel Cerrado (Tuy), 9. Norberto Segunial Jr., (Sta. Teresita) at 10. Antonio Dimayuga (San Pascual)

ABA, KUNG HINDI KASAMA ANG MAYOR NG ISANG BAYAN SA MGA GANITONG SURVEY, EH HINDI ITO MAGALING. BAKA SA ILLEGAL LANG MAGALING. HEHEHE…

Usapan Senior Citizen naman tayo. Nakita ko ang maraming katandaan dito sa ating lalawigan na bumibili ng kanilang maintenance at napansin ko ang mga halaga ng kanilang gamot na binibili. Umaabot ang halagang sa 5,000 hanggang 6,000 at ang pinaka-mababa ay 1,000.

Ang tanung, paano na ang mahihirap na pamilya na hindi kayang sustinehan ang kanilang maintenance o pang-araw-araw na gamot? Maghihintay na lang ba sila ng kanilang kamatayan?

Ano ang maitutulong ng gobyerno sa bagay na ito? Hindi sapat ang binibigay ninyong diskwento. Halimbawa, bakit hindi ninyo ibigay ang hindi na natuloy na pangako ng gobyerno sa isang libong kulang sa pangakong dalawang libo sa mga SSS pensioner mula sa SSS? Isang malaking tulong yun sa hanay ng mga senior citizen na SSS pensioner.

Doon naman sa mga hindi SSS pensioner. Bakit hindi tulungan ng lokal na pamahalaan ang mga ito sa pamamagitan ng paglalagay ng sapat na pondo para sa mga gamot ng senior citizen sa kanilang taunang budget. ALA BIRA! (UnliNews Online)

Bayani H. Alamag
Bayani H. Alamaghttp://unlinews.org
Bayani Hernandez Alamag was born and raised in Calaca, Batangas. A former writer/correspondent of Philippine Journalists’ Incorporated (publisher of People's Journal, People's Tonight, and Taliba). Presently, he is a reporter for REMATE, a national tabloid newspaper, and a columnist for A-1 INFO. Alamag is also a publisher of The TRUTH, Batangas provincial newspaper and he is a member of the National Press Club (NPC).
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments