Friday, September 20, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial News4 miyembro ng pamilya ‘nilamon’ ng apoy sa Sta. Maria, Bulacan

4 miyembro ng pamilya ‘nilamon’ ng apoy sa Sta. Maria, Bulacan

STA. MARIA, Bulacan — Apat na miyembro ng isang pamilya kabilang ang dalawang menor de edad ang namatay matapos masunog ang tinitirhang bahay sa Barangay Caypombo sa nabanggit na bayan noong Martes ng madaling araw (Aug. 8).

Base sa pansamantalang ulat ng kapulisan, naganap ang sunog bandang 3:17 ng madaling araw kung saan nasunog ang unang palapag ng bahay na mabilis na umakyat sa ikalawang palapag kung saan naroroon ang mga biktima.

Kinilala ang mga biktima na sina Roy Lozano, 39 taong gulang; Marie Lozano Caparas, 39; Cedric Lozano, at Andre Lozano, 12; na pawang residente ng Block 9, lot 5, El Pueblo Del Rio, Barangay Caypombo, Sta. Maria.

Hindi na nagawang makaalis ng mga ito sa kanilang kinalalagyan na naging sanhi ng kanilang kamatayan..

Ang mga labi ng biktima ay isasailalim sa otopsiya ng Bulacan Provincial Forensic Unit, habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection upang matukoy ang naing sanhi ng naturang sunog. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments