Friday, September 20, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionAla BiraMataas na Kahoy Vice Mayor Ilagan, tuloy ang laban sa pagka-gobernador

Mataas na Kahoy Vice Mayor Ilagan, tuloy ang laban sa pagka-gobernador

PINANGUNAHAN ni Senator Christopher “Bong” Go ang groundbreaking ceremony ng New Batangas Provincial Hospital sa Bgy Putol, Tuy, Batangas kamakailan.

Kasamang dumating ng senador si Batangas Governor Hermilando Mandanas.

Ayon kay Gov. Mandanas ay napakalaking tulong ng itatayong hospital sa mga taga-Unang Distrito ng nasabing probinsiya sapagkat hindi na diumano pupunta pa ang mga maysakit na kababayan sa Batangas City na may layong humigit kumulang sa 50 kilometro kung saan nakatayo ang naturang hospital.

Aba, mukhang sumisikat si Sen. Go sa Unang Distrito ng Batangas ah. Dahil si Sen Bong Go din ang naging instrumento para magkapondo bilang simula ang pagpapatayo ng SUPER HEALTH CENTER sa Calatagan, Batangas nang nakaraang taon.

Sinabi rin ng senador na target niya na makapagpatayo ng 7 super health centers sa buong probinsiya ng Batangas. Sinasabing superhealth centers dahil kasama na rito ang eye ear nose and throat at iba pang karamdaman….

Sa walang tigil ng pangungulit ng aking mga readers dito sa ALA-BIRA tungkol sa PLUNDER CASE na isinampa laban ke Calaca Mayor Nas Ona sa Ombudsman.

Kung ano na ba ang lagay o status, sasagutin ko na po iyan sa susunod na isyu ng ating kolum Kasama po ang mga kapatid ko sa media na naka-beat sa nasabing ahensya ng pamahalaan, aalamin na po natin para bilang mamamahayag ay masagot ko na ang inyong katanungan.

Tungkol na naman sa pangangamoy na ng pulitika sa probinsya ng Batangas na sinusundan o minomonitor ng ALA-BIRA ang nga galaw ng mga nagpapaplanong tumakbo bilang gobernador ng Batangas.

Nalaman po ng inyong lingkod na nagpapadala na sila ng tulong sa mga lider nilang tatakbong kapitan sa mga barangay sa mga bayan ng Batangas.
Sa hanay po ng mga tatakbong gobernador, ayon sa malalapit niyang kaibigan at lider, si Mataas na Kahoy Vice Mayor Jay Manalo Ilagan ang hindi aatras kahit bumalik pa diumano ang dating Batangas Governor Vilma Santos. ALA BIRA! (UnliNews Online)

Bayani H. Alamag
Bayani H. Alamaghttp://unlinews.org
Bayani Hernandez Alamag was born and raised in Calaca, Batangas. A former writer/correspondent of Philippine Journalists’ Incorporated (publisher of People's Journal, People's Tonight, and Taliba). Presently, he is a reporter for REMATE, a national tabloid newspaper, and a columnist for A-1 INFO. Alamag is also a publisher of The TRUTH, Batangas provincial newspaper and he is a member of the National Press Club (NPC).
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments