Friday, September 20, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsSOMA ni Mayor Jowar, gumuhit sa kasaysayan sa Bayan ng Angat

SOMA ni Mayor Jowar, gumuhit sa kasaysayan sa Bayan ng Angat

Ni Verna Santos at Allan Casipit

ANGAT, Bulacan — Matamang pinakinggan at sinaksihan ng mga Angatenyo ang kauna- unahang State of the Municipality Address (SOMA) ni Mayor Reynante “Jowar” S. Bautista noong ika- 11 ng Agosto, 2023 na ginanap sa FF Cruz Clubhouse sa Barangay Sta. Cruz.

Ang SOMA ni Mayor Jowar ay labis na hinangaan ng kanyang mga kababayan at gumuhit sa kasaysayan ng Angat dahil sa kaniyang ipinamalas na pagpupunyagi para sa bayan at mamamayan.

Matatandaan Hulyo 1, 2022 nang magsimulang manungkulan sa paglilingkod bilang Punong Bayan ng Angat si Mayor Jowar.

Lingid sa kaalaman ng lahat sa loob ng nakalipas na isang taon ay marami na itong nagawa mula pamahalaang bayan katuwang ang mga kinatawan ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Arvin Agustin na siyang bumabalangkas sa mga resolusyon o ordinansa upang di mabalam ang mga proyekto para sa kapakinabangan ng mga mamamayan.

Sa isinagawang ulat sa bayan ni Mayor Bautista ay inilatag nito ang kaniyang mga napagtagumpayang mga programa at mga nais pang gawin sa mga nalalabing panahon ng kanyang paglilingkod gaya ng patuloy na pagsasaayos ng organizational structure ng Pamahalaang Bayan sa pamamagitan ng pagbuo ng karagdagang kinakailangang departamento at pagtatalaga ng mga angkop na kawani na gaganap sa tungkulin.

Kasabay din nito ang pagsisikap na matapos ang pagpapagawa ng bagong munisipyo. Nais nitong ipadama sa kanyang mga kababayan na ang bahay pamahalaan ay kanilang pangalawang tahanan kung saan angkop na tinutugunan ang mga pangangailangan.

Pagpapaigting ng implementasyon ng solid waste management sa bawat barangay kasabay ng pagsisikap na maipatayo ang Material Recovery Facility sa naturang bayan.

Bukod dito ay magsasagawa din ng malawakang information education campaign tungkol sa pangangasiwa sa basura.

Patuloy na pagpapatupad ng komprehensibong programang pangkalusugan at pagtitiyak ng access sa mamamayan sa angkop na serbisyong Pangkalusugan. Sa kasalukuyan ay itinatayo na ang Super RHU na isang mini hospital na pang alternatibong pagamutan para sa mga emergency hospital needs.

Pagpapatupad ng mga regulasyon sa mga attractive environmental activities gayundin sa iba pang industriya o negosyong nakakapinsala sa kapaligiran at kalusugan.

Mga programang makakatulong para sa mga kabataan ito ay nailunsad na noon pang nakaraan taon ang educational assistance program na ipagkakaloob taon- taon upang matiyak na walang batang mahihinto sa pag aaral. Palalakasin din ang mga livelihood at skilled training program na pinapangasiwaan ng TESDA at maging ang youth program.

Patuloy na pagsasagawa ng mga angkop na pagawaing-bayan (imprastraktura) na pakikinabangan ng mga mamamayan; sa pamamagitan nito makakahikayat ng mga mamumuhunan at makapagbubukas ng mga oportunidad sa mga empleyado o trabaho.

Pakikipag-ugnayan sa People’s Council na magsisilbing daluyan ng suportang pangkabuhayan at pangkagalingan para sa marginalized sectors.

Taos pusong pinasalamatan ng alkalde si Congressman Ador Pleyto, Kinatawan ng ika- 6 na Distrito ng Bulacan dahil sa walang sawang pagsuporta at pagbibigay ng tulong ni Tatay Ador sa Bayan ng Angat.

Tahasan sinabi nito na “naniniwala ako na hindi ko mapagtatagumpayan ang lahat kung wala ang suporta ng people’s council at mga organisasyon, ang ating mga pangarap ay magtatagumpay sa patuloy na pagsuporta ng mamamayang Angatenyo.”

Nanawagan din si Mayor Bautista sa kanyang mga kababayan aniya “samahan po ninyo akong harapin ang Bagong Hamon, sa isang Bagong Angat na nais nating makamit,” pagtatapos nito. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments