BOCAUE, Bulacan — Malapit nang simulan ang panukalang paghuhukay sa mga creeks at sapa sa naturang bayan upang maging agarang solusyon para mapabilis ang paghupa ng baha sa panahon ng bagyo.
Ayon kay Vice Mayor Atty. Sherwin Tugna, tuluy-tuloy ang isinasagawang pagpupulong hinggil sa panukalang dreging sa mga ilog ng Bocaue upang hindi na maulit muli ang nangyaring matinding pagbaha dulot ng mga bagoyng Egay at Falcon na sinamahan pa ng habagat.
“Naging produktibo ang ating meeting ukol sa ating panukalang dredging ng mga creeks at sapa sa ating bayan. Dinaluhan po ito ng mga taga Department of Public Works and Highway (DPWH) Flood Control Dept. Central office, Bocaue Municipal Engineering Office Arch. Mike Castillo, Municipal Environment and Natural Resource Office Head Engr. Dinia Gomez at private sector experts,” ani ng bise alkalde.
Dagdag pa ni Vice Mayor Tugna, “sa tulong po ninyo, at sa pangunguna ni Mayor Jonjon JJV Villanueva, kasama na ang ating Solid Lingkodbayan Councilors, mas mapapabilis natin ang paghupa mg baha at mapangalagaan natin ang health and safety ng lahat ng Bocaueños, lalo na tuwing panahon ng bagyo.”
Saad pa nito na hopefully, this last quarter of the year, ay masisimulan na natin ang paghuhukay. (UnliNews Online)