LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Itinumba nu’ng Miyerkules ng madaling araw ng hindi pa nakikilalang salarin ang 37-anyos na konsehal ng barangay sa bayan ng Marilao.
Base sa nisyal na ulat, kinilala ni Bulacan police director Col. Relly Arnedo ang biktima na si Aldrin Santos, ng Barangay Poblacion 2, bayan ng Marilao.
Nakatayo siya at nakikipag-usap sa kanyang tiyuhin sa harap ng JPMS Driving School sa Barangay Bagbaguin sa Sta. Maria bandang alas-7:30 ng umaga nang paulanan siya ng isang hindi pa nakikilalang armadong suspek na sakay ng motorsiklo.
Batay sa kuha ng Closed Circuit Television (CCTV), tatlong beses na pinaputukan ng baril ang biktima sa kanyang dibdib gamit ang kaliwang kamay habang nagmamaneho ng kulay itim na Honda TMX na motorsiklo at nakasuot ng puting helmet, puting jacket at itim na short pants. .
Matapos matumba ang konsehal sa lupa, saka nagmaneho ang suspek patungo sa Barangay Turo, Bocaue.
Isinugod ang biktima sa Specialist Medical Center sa Bocaue ngunit na-expire habang nilalapatan ng lunas.
Patuloy ang pasasagawa ng Sta. Maria police ng mga follow-up operations upang matuloy at madakip ang suspek sa pamamaslang. (UnliNews Online)