Thursday, September 19, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionAko ay Pilipino, Negrito ang aking lahi

Ako ay Pilipino, Negrito ang aking lahi

MAINGAY ang social media sa pagkakapanalo ni Bulacan Representative Chelsea Manalo sa Miss Universe Philippines 2024 na ginawa sa MOA Arena kamakailan lamang. Maraming haka-haka at sari-saring opinyon sa kanyang pagkaka-hirang. Mga punang hindi daw ganito ang itsura ng isang Filipina dahil mestiza sa isang black American father.

Isa sa kategorya na qualified ka sumali sa MUPH ay ang pagiging Filipino citizen at mapapansin na ang mga ibang kalahok ay galing pa sa ibang bansa gaya ng mestiza mula Europa at Amerika. Si Chelsea ay lumaki at nag-aral sa Pilipinas at inaruga ng kanyang mga magulang.

PINANINIWALAANG ang mga Negrito sa Pilipinas ay mga unang grupo na dumating sa bansa noong nakalipas na 20,000 taon. Ang pangkat na ito ay naglakad at tumawid sa bansa galing sa Borneo sa pamamagitan ng tulay na lupa karugtong ng Palawan, Mindoro at ilang parte ng Mindanao. (File photo)

Bagama’t nagkahiway at nag-divorce ang kanyang biological parents sa amerika sa edad na 2 taong gulang at muling nag-asawa ang ina sa isang pinoy at lumaking hindi nag-kulang sa pag-aaruga at kalinga ang dalaga sa mga magulang na nagresulta sa pagpupunyagi sa kasalukuyan.

Marami sa mga batikos ang walang basehan at basta na lamang may masabi dahil hindi nanalo ang kanilang mga ‘bet’. Ang pagiging mapaghusga ay hindi dapat binigyang diin at pansin lalo na ito ay kulang sa tamang kontekto at kaalaman. Baka nakakalimutan ng lahat kung ano talaga ang tunay na Filipino?

Kung ating kakalkalin ang pinagmulan ng ating lahi ay malalaman natin na tayo ay nagmula sa ‘mixed diversified culture at race’ bago pa dumating ang mga mananakop. Ang unang ‘inhabitants na nanirahan sa bansa ay ang Negrito group mula pa noong prehistoric times. Sumunod ang mga Austroasiatics, Papuans at ibang asyanong bansa na nag-migrate galing Taiwan.

Black tribe ng Pilipinas

Ang tawag sa mga ‘black tribe’ ng Pinas ay ‘Agta’. Ang tribung ito ay may ibang itsura kumpara sa ibang katutubo ng bansa. Sila ay may nagtataglay ng mas matingkad na pagka-itim sa kulay ng balat, buhok at maiksing kulot na buhok, makapal na labi at pangong ilong. Ang tawag sa kanila ay ‘Agta Negritos’ ng Pilipinas. Kilala silang ‘hunter’ at mangangalakal para maka-survive ang kanilang tribu.

Dumating sa Pilipinas ang mga Negritos galing Southeast Asia noong nakaraang 20,000 -30,000 taon ng Pleistocene period. Ang period na ito ay may geologic period na nag-umpisa noong 2.6milyon na taong nakalipas at panahon pa ng ‘Ice age’.

Sumunod ay ang pananakop nang mga banyaga sa ating bansa na nagsimula noong Spanish rule (1521-1898), American rule (1898-1941), at sa nakaraang pangalawang digmaan okupasyon ng Hapon (1941-1946). Ang bansa ay na-discover ni Ferdinand Magellan ng Spain sa taong 1521. Dito natin makikita na ang Pinoy ay isang ‘mixed diversified culture’ at ang pag-daong ng mga amerikanong sundalo noong aktibo pa ang Subic Naval Base taong (1899–1942) at makatapos ng giyera noong (1945–1992).

Bukas sa kaalaman ng lahat na ang Olongapo City at Angeles City ay naging entertainment strip para sa mga banyagang sundalo noong panahon na iyon at nagkaroon ng inter-marriages at nagbunga sa kanilang pag-mamahalan.
Tigilan na ang masigasig na mamuna at pulaan ang ating kababayan na may ‘mestiza features’ gaya ni Chelsea at sabihing hindi ito mukhang Pilipina na kayumanggi ang kulay at pag-isipan muna ang mga salita bago bitawan ang mga pino-post sa social media at baka ito ay bumalik sa inyo dahil sa kakulangan sa kaalaman. Ang tanong, ano talaga ang kulay ng lahing Pilipino?

Tungkol sa kolumnista:

Si Prof. Julio O. Castillo Jr. ay isang Doctor in Business Administration, academician ng business management and entrepreneurship, university professor sa graduate at undergraduate schools, academic research author, civil servant at nagsusulong ng mga adbokasiya para sa good governance and transparency, environmentalists, at community servant.

For comments and feedback, please write to my email address: pointsofview.unlinewsonline@outlook.com

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments