Thursday, September 19, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionKabataan uhaw sa matinong liderato sa bansa

Kabataan uhaw sa matinong liderato sa bansa

SA nalalapit na 2025 elections ay pansin ang mga bangayan at tunggalian sa ating mga mambabatas at mga tagapuna. Nakadidismaya ang ibang mga pulitiko sa kanilang mga kilos at pananalita lalo na kung may may mga pandinig sa kongreso at senado. Ang ganitong pag-uugali ay reflection ng isang hindi maayos at mabuting liderato. Paano natin pag-kakatiwalaan ang mga leaders na ganito lalo na sa ating mga elected na opisyal ng bansa?

Nakikita at nakabantay ang mga Kabataan sa social media, radyo at telebisyon sa mga kaganapan ng bansa at hindi Maganda na ang kanilang nasasaksihan ay ang hindi Magandang paraan kung paano paandarin ang ating gobiyerno ng mga liders ng bansa.

PINAGDIRIWANG ng mga Pilipino tuwing ika- 12 ng Hunyo kada taon ang paggunita sa ‘Independence Day’ o ‘Day of Freedom’. Ang Kalayaan na ito ay upang sariwain ang pag-bibigay laya ng Espanya sa bansa noong 1898. Ang makasaysayang seremonyas na ito ay ginanap sa pamamahay ni Emilio Aguinaldo sa kawit , probinsya ng Cavite. (file photo)

Hindi Maganda ang rehistro sa mga Kabataan ang kawalan ng respeto sa kapwa ng ibang liders na nakikita sa mga media channels at nagkakaroon ng epekto kalaunan sa sikolohiya ng mga Kabataan. Nagbanta ang American Psychological Association (APA) kamakilan na ang ganitong pagka-expose sa mga agresibo at kawalan ng galang sa kapwa ng ating mga liderato ay maaring ma-gaya kalaunan ng mga Kabataan.

Panahon na upang bigyan diin ng ating mga liderato na ipakita ang tamang pag-uugali lalo na sa mga deliberasyon, imbestigasyon o debate sa ating mga mambabatas. Ipakita ang tamang pagpakumbaba, respeto at maging responsable sa mga kilos at galaw lalo na sa harap ng social media at iba pang media outlets.

Sa bansang gaya ng Pilipinas, na laging laman sa mga pahayagan at social media ang bangayan ng mga liderato, bilang magulang ay naghahanap tayo ng matinong liderato ng bansa. Ang ganitong pag-nanasang makahanap ng tamang namumuno ay hindi madali ngunit sa tamang gabay ay makakakita din tayo ng liderato na may katangiang nagtataglay ng dignidad, mapag-kakatiwalaan, mabuting asal at pagmamahal sa bayan. Isang liderato na magbibigay halaga sa kinabukasan nang ating Kabataan at taglay ang mataas na moralidad.

Ating alalayan at gabayan ang ating Kabataan upang pagtibayin ang kanilang paniniwala na may pag-asa pa ang bayan at kayanin ang mga pasanin at harapin ang mga pagsubok na kaakibat nito nang may tapang at respeto sa sarili.

Tungkol sa kolumnista:

Si Prof. Julio O. Castillo Jr. ay isang Doctor in Business Administration, academician ng business management and entrepreneurship, university professor sa graduate at undergraduate schools, academic research author, civil servant at nagsusulong ng mga adbokasiya para sa good governance and transparency, environmentalists, at community servant.

For comments and feedback, please write to my email address: pointsofview.unlinewsonline@outlook.com

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments