ANO ba ang kasalukuyang isyu na kinakaharap ng ating bansa, at paano makatutulong ang sambayanan, o yayapusin na lang ba ang mga suliranin na nakatambad sa atin? Batay sa nadarama, ang ilan sa pangunahing problema ay ang kawalan at kakulangan ng trabaho, gayundin ang pagpapahiwatig sa kahinaan ng ating ekonomiya, mataas na inflation rate, problema sa pag-import at pag-export, ang muling pagbaba sa lakas ng piso ng Pilipinas at iba pa.
Tsk! Tsk! Tsk! Ano ang pinakamahusay na solusyon para sa kawalan ng trabaho?
Batay sa tala at dapat na gawin, ay ang desentralisasyon ng aktibidad na pang-industriya ay kinakailangan upang mabawasan ang kawalan ng trabaho. Kung ang mga aktibidad na pang-industriya ay sentralisado sa isang lugar, magkakaroon ng kaunting mga pagkakataon sa trabaho sa mga ‘underdeveloped’ na lugar. Kaya kinakailangan ang Gobyerno ay dapat magpatibay ng gayong mga patakaran, na naghihikayat sa desentralisasyon ng aktibidad na pang-industriya.
Paano naman nakakaapekto ang pagluluwas at pag-import sa ekonomiya ng isang bansa? Ang aktibidad ng pag-import at pag-export ng isang bansa ay maaaring maka-impluwensya sa Gross Domestic Product (GDP) nito, halaga ng palitan, at antas ng inflation at rate ng interes nito. Ang tumataas na antas ng pag-import at lumalalang depisit sa kalakalan ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa halaga ng palitan ng isang bansa. Kailangang bawasan ng mga pamahalaan ang labis na aktibidad sa pag-import sa pamamagitan ng pagpapataw ng mga taripa at quota sa mga pag-import. Mga subsidyo. Ang pamahalaan ay nagbibigay ng mga subsidyo sa mga lokal na negosyo upang mabawasan ang kanilang mga gastos sa negosyo.
Paano talunin ang inflation sa Pilipinas? Isa sa mga paraan upang talunin ang inflation ay sa pamamagitan ng pagpaplano ng iyong badyet. At minsan naisip kong pumasok sa buy and sell o mamili ng ginto at ipagbili rin, ganoon din sa pagbili ng mga lupa at ibenta sa tamang panahon.
Ano naman ang mga epekto ng paghina ng piso? Sa isang bansang lubos na umaasa sa mga imported na kalakal para sa mga pangangailangan, ang humihinang piso ay nangangahulugan ng mas mataas na presyo para sa mga bilihin, kabilang ang gasolina at mga produktong pang-agrikultura tulad ng bigas, prutas, at gulay.
Kailangang labanan ang Krisis sa Pera, upang mapataas ang rate, maaaring babaan ng Bangko Sentral ang suplay ng pera, na nagpapataas naman ng ‘demand’ para sa pera. Magagawa ito ng bangko sa pamamagitan ng ‘selling off foreign reserves’ upang lumikha ng paglabas ng kapital.
Hayan ang ating mga nakalap sa kasalukuyang kalagayan at kinakaharap ng ating Bansa, na kayang gawan ng paraan na masolusyunan ng ating mga matitino at henyong kababayan na nasa pamahalaan.
*****
Narito naman ang ulat na ating natanggap, na si Security Guard II Rodel R. Javier ay tumanggap ng sertipiko ng komendasyon at pagpapahalaga mula kay Gobernador Daniel R. Fernando na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan, nitong linggo. Ito ay para sa kanyang dedikasyon at masigasig na pagganap sa kanyang tungkulin na nagresulta na maiwasan ang isang insidente ng pamamaril sa Rogaciano M. Mercado District Hospital sa Santa Maria, Bulacan noong Pebrero 3, 2023.
Tsk! Tsk! Tsk! Mabuhay ka Security Guard II Rodel R. Javier! (UnliNews Online)