Thursday, September 19, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsMga isdang binebenta sa Malolos public market, ligtas kainin

Mga isdang binebenta sa Malolos public market, ligtas kainin

LUNGSOD NG MALOLOS — Sa isinagawang joint inspection, monitoring at data gathering ng Bulacan Incident Management Team (IMT), at pamahalaang lokal ng Malolos noong Thursday (Aug. 8), ligtas umanong kainin ang mga isdang ibinebenta sa pamilihang bayan, konsignasyon, at punduhan sa lungsod, sa kabila ng pagkakaroon ng oil spill sa Bataan kamakailan.

Kabilang sa mga nag-inspeksyon sina Erica Vanessa L. Bulaong, Aquaculturist I, Joshua A. De Ocampo Aquaculturist II, kinatawan ng PDRRMO Darryl Villanda, Environmental Management Specialist II Anne Cuaderno, CENRO-OIC Amiel S. Cruz, at LDRRMO IV Kathrina Pia Pedro.

KABILANG sa mga nag-inspeksyon sina Erica Vanessa L. Bulaong, CENRO-OIC Amiel S. Cruz, kinatawan ng PDRRMO Darryl Villanda, Environmental Management Specialist II Anne Cuaderno, at LDRRMO IV Kathrina Pia Pedro. (Malolos CIO)

Bukod sa pagsusuring ito, nagkaroon na din ng pagdinig noong ika-5 ng Agosto, upang talakayin ang naging kahandaan at pagtugon ng lungsod sa Bagyong Carina, maging ang nangyaring oil spill sa Limay, Bataan.

Dito inihayag ni Cruz, ang kanilang naging pakikipag-ugnayan sa DENR Region III ukol sa paglalagay ng oil spill boom upang mapigilan ang pagkalat ng langis sa mga anyong tubig na sakop ng lungsod.

Matatandaang noong ika-25 ng Hulyo, lumubog ang MT Terra Nova sa Bataan. Bilang tugon ay agad na lumikha ng Task Force MT Terra Nova si Punong Lungsod Abgdo. Christian D. Natividad sa bisa ng Executive Order No. 035 s. 2024. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments