Thursday, September 19, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsSen. Revillla, pinangunahan ang ‘Bayanihan Relief’ ops sa Bulacan

Sen. Revillla, pinangunahan ang ‘Bayanihan Relief’ ops sa Bulacan

2,000 Calumpiteños tumanggap ng food packs

CALUMPIT, Bulacan — Pinangunahan ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. noong Biyernes (Aug. 9) ang isinagawang Bayanihan Relief Operations sa 4 na bayan at isang lungsod dito sa lalawigan ng Bulacan upang maghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Carina at Hanging Habagat na nagdulot ng malawakang pagbaha kamakailan.

Umabot sa 2,000 pamilya sa bayan ng Calumpit ang tumanggap ng food packs na naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan mula sa inisyatibo ni Sen. Revilla at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ginanap sa Covered Court ng Barangay Balungao.

NAGSAGAWA ng “Bayanihan Relief Operation” si Senator Bong Revilla Jr. sa lungsod ng Malolos at namahagi ng tulong sa mga Malolenyo na lubhang naapektuhan ng Bagyong Carina at Hanging Habagat na nagdulot ng pagbaha. Naging katuwang ng senador si Mayor Christian D. Natividad. (FB Page Ramon Revilla Jr.)

Kilala ang naturang senador bilang isa sa palaging nakikitang rumeresponde sa mga kalamidad na kung hindi man nangunguna ay hindi talaga nagpapahuli at palaging may panahon kung pagtulong ang pag-uusapan.

Tuwang-tuwa na sinalubong si Sen. Revilla ng mga Calumpiteño
sa pangunguna ni Mayor Lem Faustino, Vice Mayor Zacarias C. Candelaria at mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga kapitan ng barangay.

Ipinaaabot ni Sen. Revilla ang pasasalamat sa masisipag na lokal na opisyal sa pamumuno ni Mayor Faustino, gayundin sa ating mga kababayang malugod tayong sinalubong sa ating pagdating.

“Makakaasa po kayong hindi papalya ang pagdating ng ating Bayanihan Relief sa panahon at lugar kung saan ito pinaka-kailangan,” saad ng senador.

“BAYANIHAN Relief Operation” sa Bayan ng Plaridel sa pangunguna ni Senator Ramon Revilla Jr., katuwang sina Mayor Jocell Aimee R. Vistan at Vice Mayor Lorie V. Surio. (Manny C. Dela Cruz)

Sa kanyang naging mensahe, sinabi nito na mula sa kahilingan ni Mayor Faustino ay nangako itong maglalaan ng P5 milyong piso para sa Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced workers o TUPAD at P5 milyon piso naman para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.

Naibahagi rin ng senador na tatanggap ng halagang P10 libong piso ang mga senior citizen na may edad 80 anyos hanggang 95 anyos sa susunod na taon na magsisimula umano sa March 2025.

Masayang ibinalita rin ng senador na iminungkahi rin nito sa Senado na ibaba sa edad na 56 ang isang senior citizen upang makakuha ng mga benipisyo sa mga gamot at iba pang nakapaloob sa Centenarian Act of 2016.

Hindi naman magkamayaw sa tuwa ang mga Calumpiteño dahil sa pagdalaw ng guwapo at masipag na senador sa bayan ng Calumpit.

“Sana ganyan ang lahat ng mga senador natin, hindi lang guwapo, masipag pa at handang tumulong sa mga naging biktima ng kalamidad,” sabi ng isang senior citizen ng kapanayamin ng Bulacan UniliNews.

Maliban sa bayan ng Calumpit, nagdala rin ng “ayuda” si Sen. Revilla sa lungsod ng Malolos, at mga bayan ng Paombong, Hagonoy, at Plaridel. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments