PINANOOD ni Gerald Santos ang Senate hearing ng pagdinig sa isyu hinggil sa pamomolestiya kay Sandro Muhlach.
Ayon sa singer/theater actor, halos madurog daw ang kanyang puso habang nagsasalita ang ama ni Sandro na si Nino Muhlach sa harap ng mga senador.
Sambit pa ni Gerald, “ipagpapatuloy ko po ang pagsasalita about this para matigil na ang pang-aabuso sa mga baguhang artist.”
May pasabi pa ang singer, sa mga nagkokoment na kung bakit ngayon lang daw siya nagsalita hinggil sa nangyari sa kanya noon.
Pero natutuwa naman daw siya dahil may mga ibang komento siyang nababasa na alam ang nagyari sa kanya noon.
Aniya, “2010 pa po ako nagsalita, pero hindi nila ako pinakinggan. To be exact po February 8, 2010 nang dinumog namin ito sa GMA management.
Nag-file po kami ng case sa taong ito na gumawa sa akin, pero hindi nila kami pinakinggan.
Kaya kahit galit na galit po ang aming pamilya wala po kaming magawa kundi ang manahimik. Ginaslight po nila ako. Pinag-iinitan po nila ako at binaligtad sa mga nangyayari.”
Sa comment sections ang lahat ay pabor sa pagsasalita ni Gerald.
“I’m so disappointed with GMA for not hearing the voice of their talents like Gerald Santos which has a talent so genuine na cnyang nio”
“Omg so disappointed with GMA mgt. This is so evil! Kawawa naman ang mga bata dapat pangalanan mo Gerald ang mga taong yan para di na sila mamayagpag dyan. Kasi tyak may mabibiktima pa yan. Salute to your courageous heart. The truth should prevail”
“Gerald lumaban ka! This is the right time to speak up, fight and claim for justice”
“Laban lang Gerald God is watching you, vengeance is for the Lord.. Godbless”
May naghihintay naman na sana ay mainvite din sa senado ang singer.
Kung nagkataon daw na hindi muhlach ang naharass malamang daw ay hindi pa ito mababalita.
“Sana mainvite ka sa Senado at magharap uli kayo ni Anette Gozum Valdez.”
“Join Sandro Muhlach sa Senado buhayin mo ang kaso para managot cgurado hindi lang kayo nakakaranas ng ganyang pang aabuso at para magkaroon ng lakas ng loob yung ibang mga nabibiktima nila. God’s timing is always right”
“Tapos kanina sa Senate hearing sasabihin ng GMA7 na hindi nila tinotolerate ang ganyang gawain? Kinawawa nila si Gerald Santos noon, pero God is good tlaga hindi man niya nakamit ang justice noon, nabuksan muli ang issue at thru Sandro Muhlach mabibigyan na ng hustisya ang ginawa sa kanya”
“Dapat iboycott ang GMA wala silang pagpapahalaga sa kanilang talent, tulad ni Gerald, nadine Samonte iba pa. Dami din nilang kinasuhan sa mga talent nila.”
“Tama yung sinabi ni nino. Sila nga na kilala na sa showbiz pero nagawan pa rin ng ganun pano pa yung mga walang boses at di sikat. . Ganyan ang nangyari kay Gerald hindi kasi malaki pangalan niya kaya deadma ang GMA.”
“Para sa mga nagsasabing bakit ngayon lang. Pag natrauma ka minsan kusang ililibing ng utak mo at kakalimutan kasi di kaya i-processi-process. Maaalala lang pag trigger ka.” (UnliNews Online)