Thursday, September 19, 2024
Amana Water Park
HomeNational NewsEntrepreneurial training programs ng DepEd para sa mga estudyante at guro, pinuri

Entrepreneurial training programs ng DepEd para sa mga estudyante at guro, pinuri

MANILA — Pinuri ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Lunes (Aug. 12) ang pagbibigay ng Department of Education (DepEd) ng entrepreneurial skills training sa mga estudyante at guro.

Aniya, isa itong paraan para tuparin ang layunin ng K-12 na bigyan ng mas maraming oportunidad ang kabataan.

Inihayag ito ni Cayetano matapos mangako ang DepEd, na pinamumunuan na ngayon ni dating senador Sonny Angara, na ipagpapatuloy ang mga programang entrepreneurship na sinimulan noong nakaraang taon sa pakikipagtulungan sa Philippine Center for Entrepreneurship (PCE) mula sa pribadong sektor.

Diin ni Cayetano, kailangang pagtugmain ang pormal na edukasyon sa Pilipinas at mga oportunidad na pangkabuhayan sa bansa – isa sa mga pangako ng K-12 curriculum na hindi natupad.

“The main reason for the introduction of K-12 was to better prepare students for higher education, and kung hindi mag-higher education, employable na and developed na ang middle level skills. Pero hindi nabigyan ng resources ang DepEd para magawa ito,” aniya.

Dagdag ng senador, lumalawak ang pamimiliang karera ng kabataang Pilipino kapag nabibigyan sila ng pagkakataong matuto mismo sa mga batikang negosyante at entrepreneur ng bansa.

“I hope that in the end, no young person in Luzon, Visayas, and Mindanao will be told ‘beggars can’t be choosers.’ Mayroon na silang choice but we have to provide the knowledge not just from the textbooks and four corners of the classroom,” wika niya.

Pinunto ni Cayetano, na chairperson din ng the Senate Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship, ang malaking kontribusyon ng mga MSME (micro, small, and medium enterprises) sa bilang ng trabaho sa Pilipinas.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), 63 porsyento ng kabuuang bilang ng trabaho noong 2020 ay dahil sa mga MSME.

“The development of local and small businesses creates employment opportunities outside the Metro and promotes genuine inclusive growth by spreading development across the regions,” wika ni Cayetano. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments