Thursday, September 19, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial News‘Tatlong flood control system, nakatakdang gawin sa Malolos’ -- Natividad

‘Tatlong flood control system, nakatakdang gawin sa Malolos’ — Natividad

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Iniulat kamakailan ni Mayor Christian D. Natividad na kasalukuyan nang isinasagawa ang bidding para sa mga gagawing flood control system sa lungsod.

Ayon sa alkalde, nakatakda ng i-bid ngayong Linggo ang flood control project sa Barangay Mambog na nagkakahalaga ng P100,000.00. Ito ay sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod at Congressman Danny Domingo ng Unang Distrito ng Bulacan..

Dagdag pa niya, tatlong flood control system ang nakatakdang i-bid sa mga darating na araw, isa sa bawat Barangay ng Atlag, Sto. Rosario, at Calero.

“Nasa sampung barangay ang sakop ng nasabing proyekto mula Mambog hanggang Sitio Pinalagdan, Paombong,” ani Mayor Natividad.

Kabilang sa flood control system na ito ang pagsasagawa ng mga floodgates na may pumping stations kung saan ito ay makatutulong upang mabawasan ang epekto ng tidal flooding sa lungsod. Inaasahan ring aabot sa 1 bilyong piso ang halaga ng naturang proyekto sapagkat sa pamamagitan nito ay mahaharangan ang pag-angat at pag-abot ng tubig alat sa palengke hanggang Barangay Bulihan at Longos.

Inihayag din ng alkalde sa kanyang naging ulat ang pagsasaayos ng daanan sa kahabaan ng Paseo del Congreso patungo sa Malolos Cathedral upang mas mapaganda ito.

Samantala, ayon pa kay Mayor Natvidad, tuloy-tuloy din ang pagsasaayos ng flyover sa Malolos Crossing sa pakikipagtulungan sa City Engineers’ Office.

Nagbigay ulat din si Punong Lungsod hinggil sa mga ginagawang pasilidad sa paligid ng City Hall. Kabilang sa mga planong ipatayo ang skate park, chess plaza, tennis court, at iba pa.

Sa pagtatapos ni Mayor Natividad, kaniya ring nabanggit ang pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng tatlong bagong sasakyan na siyang makatutulong sa hanay ng kapulisan. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments