Thursday, September 19, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsSen. Bong Go, naghatid ng tulong sa mga biktima ng kalamidad sa...

Sen. Bong Go, naghatid ng tulong sa mga biktima ng kalamidad sa Meycauayan

Ni Allan Casipit at Verna Santos

LUNGSOD NG MEYCAUAYAN, Bulacan — Muling bumisita ang butihing Senador Christopher Lawrence “Bong” T. Go sa mga naging biktima ng Bagyong Carina na pinalakas ng hanging habagat na nagdulot ng malawakang pagbaha sa nabanggit na lungsod noong Lunes ng umaga (Aug. 19).

Ginanap ang pamamahagi ng ayuda at tulong pinansiyal mula sa senador sa tahanan nina Meycauayan City Mayor Atty. Henry R. Villarica at Congresswoman Linabelle Villarica ng Bulacan 4th District sa Brgy. Saluysoy.

HINDI inalintana ng mga residente ng Meycauayan ang matinding init ng araw matanggap lamang ang hatid na food packs at cash aid ni Senador Bong Go noong Lunes (Aug. 19, 2024) sa tahanan ng mga Villarica sa Brgy. Salusysoy, City of Meycauayan. (Kuha ni Allan Casipit)

Matatandaan na isa ang lungsod ng Meycauayan sa tinamaan ng malakas na bagyo at malawakang pagbaha.

Namahagi si Kuya Bong Go ng 2,500 food packs sa mga residente ng naturang lungsod at P2,500 sa bawat indibidwal.

Maliban sa food packs at cash assistance, namahagi rin ang butihing senador ng 3 bisikleta at cellphone na magagamit ng masuwerteng makapag-uuwi nito.

Ibinalita rin ni Sen. Go na nakapagpatayo na rin siya ng 166 Malasakit Center sa buong bansa kabilang na sa ibat-ibang bayan sa Bulacan partikular sa Meycauayan.

IPINAHAYAG ni Bong Go na sa oras ng inyong pangangailangan huwag kalimutang mayroon kang malalapitan at agad na tutugon sa oras ng pagbaha, sunog at anumang kalamidad ang danasin ng ating kababayan dahil ang “Aking Bisyo ay Mag-Serbisyo.” (Kuha ni Allan Casipit)

Labis naman ang saya ang nababanaag sa mukha ng bawat residente ng Meycauayan na nakatanggap ng ayuda at tulong pinansiyal mula sa senador.

Sa pagtatapos ni Sen. Go, sinabi nito na sa oras ng inyong pangangailangan huwag kalimutang mayroon kang malalapitan at agad na tutugon sa oras ng pagbaha, sunog at anumang kalamidad ang danasin ng ating kababayan dahil ang “Aking Bisyo ay Mag-Serbisyo.” (UnliNews Online

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments