Thursday, September 19, 2024
Amana Water Park
HomeOpinionAlice in Hinterlands, Senado tinaguan

Alice in Hinterlands, Senado tinaguan

NALANSI at nadenggoy ni Alice Guo ang mga autoridad sa kanyang pagtakas sa pagdinig ng senado kamakailan lamang sa isyu nang kanyang tunay na pagkatao at pagkakasangkot sa isyu ng Pogo.

Huling Nakita sa bansa si Guo noong July 14 sa isang resort sa bandang kanluran ng bansa. Isang malaking hiwaga ang pagkakalusot nito sa Immigration at di kapani-paniwala na walang nakapansin sa paglabas nito ng ganun na lamang.

PANIWALA nang Presidential Anti-Organized Crime Commmission (PAOCC) na target ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang sukal na lugar ng Myannmar, Laos, at Thailand para pagtaguan. (File photo)

Paniwala nang Presidential Anti-Organized Crime Commmission (PAOCC) na target ni Guo ang sukal na lugar ng Myannmar, Laos, at Thailand para pagtaguan.

Ang mga bansang ito ay tinaguriang The Golden Triangle (TGT) at alam ni Guo na mas ligtas siya sa lugar na ito para pagtaguan. Ayon sa PAOCC, ang pamilyang Guo ay may koneksyon at interest sa mga pasugalan ng TGT.

Sa lugar na ito, ang grupo ay kilalang malaking gambling operators na kontrolado ng mga sindikato at triads. Mainit ang pangalan ng grupo nila Guo sa listahan ng United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC) mula sa ulat na lumabas ngayon taon, 2024.

Masasabing ‘safe’ na pagtaguan ito ni Alice Guo dahil walang extradition treaty sa Pilipinas ang mga bansang nagbanggit. Siyempre naman, saan pa nga ba puedeng magtago ang mga kriminal kung hindi sa teritoryo na alam nilang hindi sila maisusuko.

Mas lalong delikado kung sa China uuwi si Alice. Mahigpit ang China sa may kriminal na record lalo na kung iligal na pasugalan ang pag-uusapan at siguradong mabigat na parusa ang ipapataw dito kung sakaling masukol ito.

Palpak ang operasyon para hulihin si Alice o Guo Hua Ping, umalis kasama ang grupo at sakay ng 2 speed boats nang madaling araw nang mabigo ang autoridad na ihain ang warrant kina Alice.

Sakay ng eroplano, napag-alaman na sa nasa Kuala Lumpur na ito mula Bali, Indonesia. Matapos ang ika-apat na araw ay Nakita naman ito sa Singapore at hayahay nang halos isang buwan dito. Sarap buhay ng sindikatong Guo mga kababayan.

Pinaglalaruan ang ating batas at kinakaya ang mga banta ng pagpapakulong at pataw na parusa. Hindi na mangmang ang mga taong-bayan sa ganitong kalakaran sa ating pamahalaan.

Wala nang kredibilidad ang mga nanunungkulan para ipatupad ang batas sa tamang aspeto nito. Mantakin mo! Nakalusot nang ganun na lamang? Di ba napakalaking magic ito? Kayo ano sa palagay Ninyo? (UnliNews Online)

Tungkol sa kolumnista:

Si Prof. Julio O. Castillo Jr. ay isang Doctor in Business Administration, academician ng business management and entrepreneurship, university professor sa graduate at undergraduate schools, academic research author, civil servant at nagsusulong ng mga adbokasiya para sa good governance and transparency, environmentalists, at community servant.

For comments and feedback, please write to my email address: pointsofview.unlinewsonline@outlook.com

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments