PORMAL nang pinasinayahan at buksan para sa bawat batang Angatenyo ang National Child Development Center-Friendly Park kamakailan na pinangunahan ni Mayor Jowar Bautista katuwang si Vice Mayor Arvin Agustin.
Naniniwala ako, saad ni Mayor Bautista, na ang isang komunidad na nagmamalasakit sa mga bata ay isang lugar na siguradong magiging matagumpay.
“Para po ito sa ating mga anak — ang mga batang Angatenyo na bagong pag-asa at magpapamalas ng sigla sa ating bayan,” ani alkalde.
Dagdag pa ni Mayor Bautista na Sa pamamagitan ng proyektong ito, binibigyan natin ng mas maraming oportunidad ang ating mga anak na malayang maglaro, matuto, matutong makihalubilo at mapaunlad ang kanilang kakayanan upang magkaroon ng pinakamainam na karanasan sa kanilang formative years.
Ang pagbuo ng Child-Friendly – National Child Development Center-Friendly Park Project ay naitayo sa pamamagitan ng DILG – Seal of Good Local Governance Incentive Fund na na-avail ng bayan ng Angat dahil sa pagkakapasa sa SGLG noong taong 2023.
Sinabi pa ni Mayor Bautista na ang nasabing proyekto para sa ligtas, maayos at kaaya-ayang pamayanan para sa mga bata Angatenyo.
Serbisyong PCSO, ‘Charitimba’ para sa mga Angatenyo
Naghatid ng tulong ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga Angatenyong naapektuhan ng bagyong Carina na pinalakas ng hanging habagat.
Namahagi ang naturang ahensya ng gobyerno ng “Charitimba” na naglalaman ng mga food packs na nagbibigay-ginhawa sa mga labis na naapektuhan ng kalamidad.
Ayon kay Mayor Bautista, ito ay patunay ng matibay na pangako ng PCSO na maglingkod sa bawat Pilipino, lalo na sa oras ng pangangailangan.
“Hinihikayat ko po ang lahat ng makatatanggap ng tulong na ito na gamitin ito upang muling bumangon at huwag mawalan ng pag-asa. Sama-sama, kayang-kaya,” dagdag pa ng alkalde. (UnliNews Online)