Thursday, September 19, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial News3 pulis na sangkot sa P30-M robbery sa Balagtas, kinasuhan na!

3 pulis na sangkot sa P30-M robbery sa Balagtas, kinasuhan na!

MALOLOS CITY — Sinampahan na ng kasong kriminal sa Bulacan Prosecutor’s Office noong Friday ng hapon (Aug. 30) ang tatlong aktibong pulis na dawit sa big time robbery hold-up sa isang negosyante nitong nakaraang Miyerkules ng umaga (Aug. 28) matapos pasukin ng mga ito ang isang bahay sa Brgy. Borol 2nd, Balagtas, Bulacan at nakatangay ng halagang P30 milyon at mga gadgets.

Base ulat na nakarating sa tanggapan ni Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., Police Regional Office 3, kinilala ang tatlong nasakoteng pulis sa isinagawang follow-up operations na sina Staff Sgt. Anthony Ancheta, 48, may-asawa, ng Brgy. Mojon, Malolos City, nakatalaga sa Bulacan Provincial Office; Major Armando Reyes, 55, may-asawa ng Brgy. Sta. Cruz, Sta. Maria, Bulacan, nakatalaga sa Hagonoy Municipal Police Station, at Senior Master Sgt. Ronnie Galion, 43, may-asawa ng Brgy. Mag-asawang Sapa, Sta. Maria, Bulacan na nakatalaga sa Sta. Maria Municipal Police Station.

Pinaghahanap na rin ng mga awtoridad ang apat pang suspek na sinasabing mga aktibong pulis din na nakatalaga sa lalawigan ng Bulacan.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-10 umaga noong Miyerkules nang pasukin ng pitong suspek ang bahay ng negosyanteng si Emerson Magbitang, 35, isang pharmaceutical supplier at residente ng St. Francis Subdivision, Brgy. Borol 2nd, Balagtas, Bulacan.

Nagpanggap na nanghihingi ng tulong pinansiyal ang mga suspek kung kaya madali silang nakapasok sa bahay ng negosyante.

Gayunman, tinutukan umano ng baril ng mga suspek si Magbitang at saka tinangay ang P30 mil­yong cash nito na ayon sa kanya ay kaka-withdraw lamang nito sa bangko.

Tinangay rin umano ng mga suspek ang tatlong cellphone na kalaunan ay kanila ring itinapon sa Balagtas NLEX upang hindi ma-trace at masundan habang sila ay tumatakas.

Napag-alaman ng Bulacan UnliNews mula sa reliable source na ang isa sa mga suspek na si Staff Sgt. Anthony Ancheta ay dating nagtrabaho bilang bodyguard ng naturang negosyante. At ang negosyante din umano ang isa sa tumulong sa suspek upang maibalik sa serbisyo nang ito ay masuspinde kamakailan.

Patuloy rin ang isinasagawang follow up operations ng mga otoridad upang matukoy at madakip ang apat pang mga suspek sa nasabing robbery incident.

Naglabas na rin ng opisyal na pahayag si Brig. Gen. Hidalgo na nagsasabi na walang cover up na mangyayari sa kaso ng tatlong pulis Bulacan sa nasabing robbery holdup. Ang mga suspek ay papatawan ng karampat na parusa kapag napatunayan na tunay na nagkasala ang mga ito. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments