Thursday, September 19, 2024
Amana Water Park
HomeProvincial NewsMega Blood Letting ng DF Partylist, matagumpay

Mega Blood Letting ng DF Partylist, matagumpay

Nina Verna Santos at Allan Casipit

MATAGUMPAY na naisagawa ang Mega Blood Letting ng Damayang Filipino Partylist na ginanap sa Hiyas ng Bulacan Convention Center, City of Malolos, Bulacan noong Friday (Aug. 30) kaalinsabay ng pagdiriwang ng paggunita ng ika-174 na anibersaryo ng kapanganakan ni Gat. Marcelo H. Del Pilar.

Tunay na napakahalaga ng dugong alay ng mga bayaning donors, dahil ang isang bag ay maka-pagliligtas ng 3 buhay.

Ayon kay DFMI Chairperson “Ate Tenie” Ramirez- Bautista na umabot sa 180 bags na dugo ang nakolekta sa katatapos na blood letting na kanilang isinigawa. Aniya, “maraming buhay ang ating madudugtungan sa pamamagitan ng pag do-donate ng dugo.”

Lubos naman pinasalamatan ng butihing Founder ng DFMI na si Gobernador Daniel R. Fernando at ni Chairperson Tenie Ramirez-Bautista ang lahat ng bumubuo ng DFMI sa nakiisa at tumulong upang maisakatuparan ang nasabing programa.

Kabilang dito ang mga sumusunod na tanggapan, ang Provincial Government of Bulacan, Provincial Health Office, Provincial Blood Bank, Medical Doctors, Nurses, DFMI MC’s & BC’s, PNP Bulacan, BFP Bulacan, Philippine Army, Philippine Army Reserve Command, Balikatan 777, Mike Delta Force, Alpha Kappa Rho Bulacan Chapter, ACCTG, Phoenix, ACCERT, Bulacan Special Force Riders Association, Bulacan Special Force Multiplier in Action Inc., DF/AC, Bulacan Anti-Crime Force, KNPL Marilao Chapter, BHW, The Fraternals Order of Eagle Club, Bulacan Task Force Riders Brotherhood, Art Moto Music at iba pa. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

Most Popular

Recent Comments