Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeRegional NewsCentral Luzon UnliNewsP1.4M halaga ng shabu nakumpiska sa Nueva Ecija buy bust ops

P1.4M halaga ng shabu nakumpiska sa Nueva Ecija buy bust ops

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija — Isang menor de edad at dalawang high value individual (HIVs) ang nasakote habang mahigit P1.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operation ng Nueva Ecija police noong Huwebes (Feb. 20).

Base sa ulat na nakarating kay Brig. Gen. Jean Fajardo, Central Luzon police director, mula kay Col. Ferdinand Germino, Nueva Ecija police director, kinilala ang menor de edad na 14-anyos na lalaki na naaresto sa bayan ng Santa Rosa at ang 2 high value individuals (HVIs) na isang 22-anyos na lalaking driver at isang 32-anyos na babaeng caregiver ay nasakote sa bayan ng Zaragosa.

Ayon kay Col. Germino, nakulong ang menor de edad bandang 1:30 ng hapon sa Barangay Rizal, Bayan ng Santa Rosa at nakumpiska sa kanya ang tinatayang 100 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P680,000.00, marked money at isang cellular phone.

Itinurn-over ang menor de edad sa kustodiya ng Santa Rosa Municipal Social Welfare and Development Office para sa kaukulang disposisyon

Sa kabilang banda, naaresto ang dalawang high value individual sa Barangay Concepcion West, bayan ng Zaragoza bandang alas-8:50 p.m. nakuha sa kanila ang humigit-kumulang 110 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P748,000, isang cellphone at marked money.

“Ang malaking halaga ng shabu na nasamsam sa operasyong ito ay kumakatawan sa hindi mabilang na buhay na nailigtas mula sa pagkagumon at ang mga mapangwasak na epekto nito. Ang mga sangkot sa trafficking ng iligal na droga ay haharap sa batas, dahil ang kanilang mga aksyon ay nakakapinsala sa iba at nagdudulot ng matinding kahihinatnan,” pahayag ni Col. Germino.

Dagdag pa nito, ito ay alinsunod sa direktiba ni Brig. Gen. Jean S. Fajardo, Regional Director, PRO3, na paigtingin ang pagsisikap laban sa ilegal na droga at pangalagaan ang kapakanan ng publiko. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News