LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Arestado ang mag-ama na pawang tulak ng iligal na droga at kabilang sa high value individuals (HIVs) sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Pulong Buhangin Miyerkules ng gabi (Feb. 26).
Base sa ulat ni Lt. Col. Voltaire Rivera, Sta. Maria chief of police, kinilala ang mag-ama sa mga alyas na Jaime, 59 anyos, at ang anak nito na si Lukas, 27, pawang mga pintor.
Nakumpiska sa mag-ama ang humigit kumulang 128 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 870,400, drug paraphernalia at marked money.
Ang mag-amang ay positibong nagbebenta ng shabu sa mga kalapit barnagay ng naturang bayan at nasa kustodiya na ng Santa Maria Municipal Police Station para sa proper disposition. (UnliNews Online)