Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeRegional NewsCentral Luzon UnliNewsPNP anti-fake news forum, isinagawa

PNP anti-fake news forum, isinagawa

CAMP OLIVAS, Pampanga — Isinagawa at ipinamalas ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang buong suporta sa PNP War for Truth: A Consultative Forum at ang opisyal na paglunsad ng Joint Anti-Fake News Action Committee (JAFNAC), na isinagawa sa Camp Crame kung saan ay lumahok at nakiisa ang PRO3 sa pamamagitan ng Zoom noong Biyernes (May 2).

Pinangunahan ito ni Gen. Rommel Francisco D. Marbil, kasama ang mga matataas na opisyal ng PNP. Lumahok din sa forum ang mga media partners, public information officers mula sa iba’t ibang yunit ng PNP, at mga kinatawan mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Presidential Communications Office (PCO), National Telecommunications Commission (NTC), at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).

Layunin ng forum na paigtingin ang ugnayan at koordinasyon sa pagitan ng PNP, media, at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang mabilis, wasto, at responsableng paghahatid ng impormasyon sa publiko. Bahagi ito ng mas malawak na kampanya laban sa paglaganap ng pekeng balita sa mga digital platforms.

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni Brig. Gen. Jean S. Fajardo, Regional Director ng PRO3, ang kahalagahan ng pagkakaisa para mapanatili ang integridad ng impormasyon:

“Ang maling impormasyon ay maaaring magdulot ng kalituhan, takot, at kawalan ng tiwala sa mga institusyon ng pamahalaan. Bilang mga lingkod-bayan, tungkulin nating tiyakin na tama at makabuluhan ang bawat impormasyong ating ibinabahagi. Sa pagtutulungan ng PNP, media, at iba pang ahensya ng pamahalaan, mas mapapalakas natin ang laban kontra fake news at mas mapangangalagaan natin ang kapakanan ng ating mga mamamayan.”

Tinalakay rin sa forum ang mga konkretong hakbang tulad ng pagpapatibay ng fact-checking mechanisms, real-time coordination sa pagitan ng mga communication offices, at ang pagbuo ng mga digital campaign upang labanan ang maling impormasyon.

Nagkaisa ang lahat ng kalahok sa layuning maging mapanuri, responsable, at makabansa sa pagharap sa mga hamon ng modernong komunikasyon.

Ang naturang forum ay bahagi ng mas malawak na inisyatibo ng PNP upang isulong ang transparency, accountability, at ang pagkakaroon ng isang informed citizenry sa gitna ng mabilis na takbo ng impormasyon sa digital age. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News