Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews‘Tulak’ ng shabu sa Brgy. Sumapang Matanda sa Malolos, nasakote!

‘Tulak’ ng shabu sa Brgy. Sumapang Matanda sa Malolos, nasakote!

LUNGSOD NG MALOLOS — Dahil sa mas pinaigting na operasyon ng Malolos PNP Station Drug Enforcement Unit (SDEU) para masawata ang pagkalat ng salot sa lipunan na iligal na droga, naaresto ang isang nagbebenta ng shabu sa Barangay Sumapang Matanda sa naturang lungsod noong Lunes ng gabi (May 19).

Base sa ulat kay Col. Franklin P. Estoro, Officer in Charge ng Bulacan PPO ni Lt. Col. Rommel E. Geneblazo, narekober mula sa suspek na kinilala sa alyas na “Egay”, nasa hustong gulang, ang siyam na piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang na humigit-kumulang 4.7 grams at nagkakahalaga ng P31,960.

Ayon kay Geneblazo, “Ang matagumpay na operasyong ito ay bahagi ng ating patuloy na kampanya laban sa iligal na droga. Patuloy tayong magtutulungan upang masugpo ang salot na ito sa ating lipunan.”

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng Malolos PNP at sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at Section 11, Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).

Ang kapulisan ng Malolos ay patuloy na nananawagan sa publiko na makipagtulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon upang masugpo ang ilegal na droga sa ating komunidad. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News