Monday, August 4, 2025
Amana Water Park
HomeRegional NewsCentral Luzon UnliNewsPeñones, bagong regional director ng PRO3

Peñones, bagong regional director ng PRO3

CAMP OLIVAS, Pampanga — Pinangunahan ni Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., Deputy Chief PNP for Administration, ang pormal na Turn-Over of Command Ceremony ng Police Regional Office 3 (PRO3) noong Monday (June 23), kung saan pinalitan ni P/Brig. Gen. Ponce Rogelio I. Peñones si P/Brig. Gen. Jean S. Fajardo bilang bagong Regional Director ng Gitnang Luzon.

Dumalo sa nasabing okasyon ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at law enforcement, kabilang sina Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr., mga opisyal mula sa LGUs, at mga Regional Directors ng NAPOLCOM at PDEA, bilang suporta sa makasaysayang pagpapalit ng pamumuno.

Sa kanyang panimulang talumpati, inilahad ni PBGen Peñones ang malinaw at matatag na direktiba sa buong hanay ng PRO3: “We must remain on our toes 24/7. Our goal is a 5-minute response time, available at all times. All commanders must be accessible, anytime, anywhere. We strive to serve and protect with urgency because public service does not wait.”

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa at tiwala sa hanay ng kapulisan:

“We must build a strong police force based on trust and camaraderie. We need each other. We must act as one, move as one, and protect each other with the same dedication we show the people we serve.”

Pinahalagahan din niya ang epektibong pamamahala ng materyal at pinansyal na yaman ng organisasyon:

“Let us give special emphasis to effective resource management. Every piece of equipment and every centavo of public funds must be accounted for. Walang masasayang, walang maaabuso.”

Isinusulong din niya ang makabuluhang pagbabago sa serbisyo:

“We must embrace innovation, ensure transparency, and continuously update our mindsets. Integrity is non-negotiable. Always do what is right—and when in doubt, seek guidance from a Higher Power.”

Sa aspeto ng seguridad ng komunidad, kanyang binigyang-pansin:

“Community partnership is essential. Crime prevention is everybody’s business. Let us make sure the public sees us not just as enforcers, but as partners in peace and development.”

Bilang pagtatapos, kanyang iniatas:

“I expect nothing less than your full commitment. Let’s start the day right, and every day hereafter—with purpose, urgency, and unwavering service.”

Ang pagbabalik ni PBGen Peñones sa Gitnang Luzon—matapos niyang magsilbi noon bilang Provincial Director ng Zambales PPO—ay itinuturing ng marami bilang pagbabalik ng isang matibay na lider na may malasakit sa organisasyon, sa komunidad, at sa bawat pulis na kanyang pinangungunahan.

Ang kanyang panunungkulan ay inaasahang magdadala ng panibagong sigla, disiplina, at direksyon sa buong rehiyon, alinsunod sa mga layunin ng pambansang pamunuan ng PNP tungo sa mas epektibo at makataong serbisyo. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News