Nina Verna Santos at Allan Casipit
CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Matagumpay na naisagawa ang Turnover of Command Ceremony sa Bulacan Police Provincial Office sa bago at incoming acting PNP Provincial Director na si P/Col. Angel L Garcillano na miyembro ng PNPA Kabalikat Class of 1998 noong Biyernes ng hapon (June 27).
Pinangunahan ni PRO3 Acting Regional Director P/Brig. Gen. Ponce Rogelio I. Peñones, Jr ang pagpapalitan ng pamumuno mula kay dating Officer in-Charge na si P/Col. Franklin P. Estoro.
Kaugnay nito, nag iwan ng makabuluhang mensahe si Peñones na palakasin ng kapulisan ang kanilang exercise o kakayahan sa agarang pagresponde sa mga insidente sa loob ng 5 minuto na isa sa direktiba ni Chief PNP, P/Gen. Nicolas D. Torre III.
Dagdag pa ni Peñones sa mga chief of Police na dapat ipatupad ang crime prevention and Crime solution sa buong Central Luzon.
Sa pakikipanayam ng mga mamamahayag kay Acting Provincial Director PCOL Angel Garcillano aniya sa “Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulisya ng Bulacan Ligtas Ka!” dagdag pa nito bilang kahilingan na rin ni Gobernador Daniel R. Fernando na dapat ligtas ang mga Bulakenyo. (UnliNews Online)