CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Walong katao ang naaresto kabilang ang isang Most Wanted Person ng Lungsod ng San Jose del Monte sa inilatag na manhunt operations ng Bulacan Police noong Lunes (July 7).
Ayon kay Lt. Col. Edilmar G. Alviar, Hepe ng San Jose Del Monte CPS, naaresto si alias “Dante,” Top 4 Most Wanted Person (City Level), sa Brgy. Minuyan Proper, CSJDM, dahil sa kasong Rape. Walang piyansa ang kasong isinampa sa kanya.
Samantala, pito iba pang wanted persons ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa mga bayan ng Santa Maria, Marilao, Bocaue, Baliwag, Malolos, Balagtas, at Plaridel.
Patuloy ang maigting na kampanya ng Bulacan PPO, sa pamumuno ni Col. Angel L. Garcillano, laban sa kriminalidad para sa kapayapaan at kaayusan sa lalawigan. (UnliNews Online)