Thursday, February 5, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsIligal na pagawaan ng paputok sa Sta. Maria, nasakote

Iligal na pagawaan ng paputok sa Sta. Maria, nasakote

SANTA MARIA, Bulacan — Naabutan at nasamsam ng mga tauhan ng Santa Maria Municipal Police Station ang isang ilegal na pagawaan ng paputok sa Sitio Diliman Partida, Brgy. Pulong Buhangin, Santa Maria noong Biyernes (Oct. 31), bandang alas-5:00 ng hapon.

Ayon kay P/Lt. Col. Mark Louie M. Sigua, acting Chief of Police ng Santa Maria MPS, mabilis na rumesponde ang mga pulis matapos makatanggap ng report mula sa isang concerned citizen hinggil sa ilegal na paggawa ng paputok sa lugar. Sa ikinasang operasyon, naabutan ang suspek na si alyas “Raul,” 44 taong gulang at residente ng Brgy. Pulong Buhangin, habang abala sa paggawa ng mga “kwitis” nang walang kaukulang permit mula sa awtorisadong ahensya ng pamahalaan.

Narekober mula sa lugar ang kalahating kahon ng hindi pa tapos na mga kwitis at isang palangganang halos puno ng mga hindi pa tapos na kwitis, tinatayang nasa 1,500 piraso na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ?5,500.00. Dinala sa himpilan ang suspek at ang mga ebidensya para sa wastong disposisyon, habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 7183 o ang “Firecracker Law.”

Muling ipinapaalala ni Lt. Col. Sigua sa mga residente ng Santa Maria na mahigpit na ipinagbabawal ang paggawa at pagbebenta ng paputok nang walang permit. Hinikayat din niya ang patuloy na pakikipagtulungan ng publiko sa pag-uulat ng mga kahalintulad na ilegal na aktibidad upang mapanatiling ligtas, payapa, at maayos ang bayan ng Santa Maria. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News