CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Naaresto ng Calumpit police, katuwang ang PIT Bulacan West–RIU3, ang isang Top 10 Most Wanted Person (Provincial Level) sa isinagawang operasyon sa Brgy. Iba O’Este, Calumpit, Bulacan bandang alas-9:30 ng umaga ng Lunes (Dec. 1).
Ayon sa ulat ni Lt. Col. Leopoldo L. Estorque Jr., Hepe ng Calumpit MPS, kinilala ang naarestong akusado na si alias Ando, 50 anyos at residente ng Brgy. Iba O’Este, Calumpit, Bulacan. Siya ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng Section 5(b) ng RA 7610, alinsunod sa Criminal Case No. 6667-M-2025. Ang warrant ay inisyu ni Hon. Theresa Genevieve N. Co, Presiding Judge ng RTC Branch 17, Malolos City, Bulacan, noong Nobyembre 19, 2025, na may inirekomendang piyansa na P180,000.
Dinala ang akusado sa Calumpit MPS Custodial Facility para sa wastong dokumentasyon at disposisyon bago ito i-turn over sa korte na naglabas ng warrant.
Ayon kay PCol. Angel L. Garcillano,Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, “Ang patuloy na pagkakaaresto ng ating mga most wanted persons ay nagpapakita ng walang humpay na pagsisikap ng Bulacan PNP para sa kapayapaan at kaligtasan ng publiko. Ang ating mga operasyon ay nakatuon sa paghahatid ng hustisya at pagpapanatili ng ligtas na komunidad para sa bawat Bulakenyo.” ( UnliNews Online)

