LUNGSOD NG MALOLOS — Kinilala ang bayan ng Pandi bilang nangungunang implementor sa buong Bulacan ng programa nang Department of Social Worker and Development (DSWD), ang CCAM: Project Lawa at Binhi.
Ayon kay Mayor Rico Roque, “Bunga po ng sama-samang commitment, sipag, at maayos na implementasyon ng Project Lawa at Binhi, pinagkalooban po tayo ng 1,000 beneficiary slots para sa CCAM 2026. Ibig sabihin po nito, 1,000 Pandieño ang magkakaroon ng pagkakataong makinabang sa programang ito”.
“Maraming salamat po sa gabay, malasakit, at tulong upang patuloy nating maihatid ang serbisyong may saysay sa ating mga kababayan,” ani Roque.
Dagdag pa ng alkade, “Tunay nga po na ang sipag, tiyaga, at pagkakaisa ay laging nasusuklian ng mas magagandang biyaya. Ang karangalang ito ay para sa bayan ng Pandi at sa bawat Pandieño.”
Taos-puso po namang nagpapasalamat ang mga Pandieño sa pangunguna ni Mayor Roque kay DSWD Secretary Rex Gatchalian sa patuloy na tiwala at suporta sa bayan ng Pandi, gayundin kina Nadine Yago, Noel Lipata, Rommel Casapao, at kay Iryl Africa, representative, staff of Sen. Joel Villanueva. (UnliNews Online)

