Thursday, April 30, 2026
Amana Water Park
HomeOpinionKatropa sa UnliNewsTugon ng Malolos sa pagtaas ng presyo ng petrolyo at mga hamong...

Tugon ng Malolos sa pagtaas ng presyo ng petrolyo at mga hamong Pang-ekonomiya

SA isang eksklusibong panayam na ginawa kaninang umaga, ika-10 ng Marso, 2026, sa City Hall ng Malolos, ibinahagi ni Mayor Christian Natividad ang mga hakbang na ginagawa ng lungsod upang harapin ang kasalukuyang problema sa ekonomiya.

Kasama sa mga hakbang na ito ang pagpapatupad ng apat na araw na workweek mula 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi, upang mapabuti ang efficiency at mabawasan ang gastusin sa operasyon.

Aktibo rin ang siyudad sa pagpapaigting ng energy conservation sa pamamagitan ng araw-araw na “Earth Hour,” kung saan pinapatay ang mga non-essential na ilaw sa mga opisina ng gobyerno ng isang oras upang makatulong sa pagbawas ng konsumo sa enerhiya at pagpapalaganap ng kamalayan sa komunidad.

Tungkol naman sa pagtaas ng presyo ng gasolina, ipinaliwanag ni Mayor Natividad na patuloy na nagsusupervise ang kanilang mga tauhan upang madagdagan ang pagbabantay sa mga gasolinahan laban sa mga ipinagbabawal na gawain tulad ng hoarding at labis na pagtaas ng presyo.

May mga gasolinahan na pansamantalang nagsara at pagkatapos ay nagbukas muli na may mas mataas na presyo, kaya’t patuloy ang kanilang imbestigasyon. Nagpapatuloy din ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan sa mga ahensya upang masiguro ang patas na gawain at tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng krisis.

Sa kasalukuyan, naabutan na nilang nakatanggap ng tulong ang nasa pitong pamilya ng OFWs at iba pang nangangailangan bilang bahagi ng kanilang social support program.

Binibigyang-diin ng mayor ang kahalagahan ng pagkakaisa ng komunidad at ang pagiging responsable ng bawat isa sa panahong ito. Hinimok niya ang lahat na manatiling alerto, magtipid sa paggamit ng mga resources, at magtulungan. Ang kanyang mensahe sa mga residente ng Malolos: “Ginagawa namin ang lahat para protektahan ang inyong kapakanan, ngunit kailangan din ang inyong kooperasyon.

Manatili tayong kalmado at nagkakaisa, magpatuloy sa pananalangin, at magtiwala na malalagpasan natin ang pagsubok na ito.

Tsk! Tsk! Tsk! Matatag ang Malolos dahil sa lakas at pagmamalasakit ng kanyang mga mamamayan.” (UnliNews Online)

Vic Billiones
Vic Billioneshttp://unlinews.org
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN, and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left the USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then the Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and was designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as a Consultant for Media Affairs, for the City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. ended July, 2022, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing a weekly columns for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News