Monday, February 9, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews11 drug suspek arestado sa pinaigting na kampanya laban sa droga sa...

11 drug suspek arestado sa pinaigting na kampanya laban sa droga sa Bulacan

Mahigit P67K halaga ng shabu, nasabat

CAMP GEN. ALEJO S. SANTOS, City of Malolos — Nasakote ng mga operatiba ng Bulacan PPO ang 11 katao na sangkot sa ilegal na droga sa magkakahiwalay na operasyon kontra-droga noong Thursday (Feb. 5) at Friday (Feb. 6) bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon sa ulat ni P/Lt. COL. Restituto E. Granil, Plaridel chief of police, arestado ng mga operatiba ang 7 drug suspects sa isang anti-illegal drug operation na isinagawa sa Brgy. Poblacion, Plaridel, Bulacan, noong Feb. 6, bandang 3:50 ng madaling araw.

Ang operasyon, na isinagawa sa koordinasyon ng PDEA, ay nakatuon kina Alias Dandan at Alias Dugal, na naaresto dahil sa sabwatan ng pagbebenta ng illegal na droga. Sa ginawang operasyon, napansin ng Station Drug Enforcement Unit ng Plaridel MPS ang 5 pang lalaki sa loob ng isang pribadong bahay na ginamit bilang drug den.

Ang mga ito ay nasangkot sa umano’y pot session at nahuling may hawak at kontrol sa hinihinalang shabu at iba’t ibang gamit sa droga.

Nasamsam ang humigit-kumulang 5.18 gramo ng hinihinalang shabu, na may tinatayang street value na P35,224.00, kasama ang iba’t ibang gamit sa droga.

Kasabay nito, batay sa ulat ng mga Hepe ng Pulisya ng Calumpit, Norzagaray, at Obando MPS, magkahiwalay na drug-bust operations na isinagawa ng kani-kanilang Station Drug Enforcement Units na nagresulta sa pagkakaaresto ng 4 drug pushers at pagkakasamsam ng hinihinalang shabu na may tinatayang bigat na 4.70 gramo at may tinatayang halaga na P31,960.00, kasama ang buy-bust money.

Ang mga naarestong suspek at nakumpiskang ebidensiya ay dinala sa Bulacan Forensic Unit para sa kaukulang pagsusuri, habang inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na isasampa laban sa kanila. ( UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News