Tuesday, April 14, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsACBL Makata Cup Season 3 sa Bulacan, simula na ang bakbakan!

ACBL Makata Cup Season 3 sa Bulacan, simula na ang bakbakan!

Ni Verna Santos at Allan Roi Casipit

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Pormal na binuksan ang ACBL Intertown Makata Cup Season 3 noong ika-21 ng Pebrero 2026 na pinangunahan ni Bise Gobernador Alex C. Castro at nilahukan ng 62 koponan na kinakapalooban ng 23 bayan at lungsod sa lalawigan na hinanay sa tatlong dibisyon.

Ang Makata Cup na nagsimula 2 taon na ang nakakaraan ay nagmula sa Bayan ng Balagtas sa ilalim ng panunungkulan ni dating alkalde Eladio Gonzales Jr.

Layunin ng nasabing paliga na mas manatili at lumalim ang pagkakaisa sa Bulacan kung kaya’t higit na pinasigla ang Makata Cup 3 kumpara sa mga nakaraang season.

Sinabi ni Bise Gob. Alex Castro, “Gusto naming magkaroon ng mas maraming programang pang palakasan sa ating lalawigan upang maipakita natin ang ating suporta at kahalagahan ng mga atleta na walang pinipiling edad sa pagkakataong ito ay higit na uunlad ang kanilang kahusayan.

Binigyang diin ng Bise Gobernador na ang Makata Cup ay magsisilbing daan upang magpatuloy ang ating mga manlalaro na makilahok sa mga pambansang kompetisyon, kabilang ang Philippine Basketball Asociation at Maharlika Pilipinas Basketball League.

Pinasalamatan ni Castro si Gobernador Daniel R. Fernando sa ibinigay na suporta nito sa ACBL at maging sa mga dumalo sa naturang pagbubukas kabilang sina Francis Zamora, Malolos City Mayor Christian D. Natividad, Baliwag City Mayor Ferdie Estrella, mga board member ng Bulacan at sa kaniyang maybahay na si Sunshine Garcia- Castro. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News