Thursday, March 5, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsBulacan, inilunsad ang ULIRAN Family Movement para sa mga empleyado at magulang...

Bulacan, inilunsad ang ULIRAN Family Movement para sa mga empleyado at magulang ng iskolar

LUNGSOD NG MALOLOS — Inilunsad Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang ULIRAN o Understanding and Loving Interactions are Rewarding and Nurturing Family Movement para sa mga empleyado at mga magulang ng mga iskolar noong Monday (March 2) sa Bulacan Capitol Gymnasium.

Idinisenyo ang programang ito upang itaguyod ang responsableng pagmamagulang, patatagin ang ugnayan ng pamilya, at bigyan ang mga magulang at kabataan ng kasanayan sa buhay na kakailanganin nila upang makabuo nang responsable at matatag na komunidad na nagbibigay-diin sa agarang pangangailangan na palakasin ang bawat pamilya bilang pundasyon ng lipunan.

Matapos ang pag-apruba ng programa sa Sangguniang Panlalawigan ngayong taon, isasagawa ang implementasyon nito kung saan sasailalim ang mga kalahok sa isang sistematiko at kumprehensibong pagsasanay na magsisimula sa isang araw na Family Forum at Orientation, na susundan ng tatlong antas ng Training of Trainers na nakatuon sa relational, adolescent, at community development.

Saklaw din ng mga modyul ang mahahalagang paksa tulad ng pagpapatibay ng ugnayan ng magulang at anak, epektibong komunikasyon, self-esteem at disiplina, adolescent sexual and reproductive health, proteksyon laban sa mga panganib, life skills at pagpaplano, responsible fatherhood, ugnayang mag-asawa, gender awareness, at gampanin ng pamilya sa pagbuo ng komunidad.

Sa kanyang mensahe, idiniin ng Tagapangulo ng PKKB na si Dr. Eva Fajardo na ang paglulunsad ng ULIRAN Family Movement ay isang mahalagang hakbang upang tugunan ang patuloy na lumalaking pagsubok na kinakaharap ng mga kabataan at ng komunidad.

“Ilulunsad po natin ang ULIRAN Family Movement upang patatagin ang pamilya ng bawat isa at ibalik ang boses ng mga magulang at anak sa loob ng tahanan,” ani Dr. Fajardo.

Samantala, hinikayat ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga publiko at pribadong sektor, civic organizations, faith-based groups, at mga pinuno ng komunidad na magtulungan sa pagbuo ng matatag na pamilya para sa mas malakas at maunlad na lalawigan.

“Palagi pong nakasuporta ang Provincial Government sa mga programang magpapalakas ng bawat pamilya at matutulungan ang mga magulang at kabataan na maging responsible at maayos ang ugnayan sa pamilya para sa matibay na pundasyon ng bawat komunidad. Handa po ang Bulacan sa tuluy-tuloy pag-unlad,” ani Fernando. (May dagdag na ulat si Allan Casipit)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News