Thursday, March 26, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNews233 OFW dependents sa Malolos, nakatanggap ng tulong sa LGU

233 OFW dependents sa Malolos, nakatanggap ng tulong sa LGU

Ni RONALYN CRUZ

LUNGSOD NG MALOLOS — Sa gitna ng tumitinding krisis na nararamdaman sa buong mundo dulot ng patuloy na digmaan sa Gitnang Silangan, nariyan ang mga kababayan natin na OFW na nangangamba sa kanilang kaligtasan sa bawat tunog ng sirena.

Dagdag rin sa kanilang alalahanin ang kanilang mga pamilya di5to sa nasabing lungsod na umaasa lamang sa kanilang padala para sa araw araw na ikabubuhay.

Sa tulong ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos, sa pangunguna ni Mayor Chrisitian D. Natividad, 119 na pamilya ng mga Malolenyong OFW ang nakatanggap ng tulong pinansyal nitong nagdaang ika-24 ng Marso sa tanggapan ng alkalde sa ikatlong bahagi ng pamamahagi nito.

(Kuha ni Allan Casipit)

Sa kabuuan ay mayroon nang 233 pamilya ang nakatanggap ng P10,000 mula nang simulan ang Special Case OFW Help desk na naglalayong tulungan ang mga pamilya ng mga OFW na direktang tinamaan ng kaguluhan sa gitnang silangan.

Pahayag ni Mayor Natividad “Bilang Ama ng Malolos ay hindi ko kayang tiisin ang ating mga kababayan, nariyan nga ang National Government upang tulungan ang mga kababayan nating nais umuwi pero paano naman itong mga pamilya na umaasa lamang sa padala ng kanilang kaanak. Hiling natin ay matapos na ang kaguluhan pero anu’t ano man ang mangyari ay asahan ninyong hindi pa dito nagtatapos ang tulong ng Pamahalaang Lungsod.”

Kaakibat sa patuloy na digmaan at lumalalang krisis may pangako rin ang alkalde sa mga driver na apektado ng patuloy na pagtaas ng krudo. Mauuna riyan ang mga driver na may kinaanibang samahan.

Hanggang ultimo sa mga food delivery service rider aniya ay handang tulungan ng kanyang tanggapan. Mag-antabay lamang sa anunsyo ng magiging proseso at mga requirements na kakailanganin sa mga susunod na araw. (UnliNews Online)

RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News