Tuesday, April 7, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsLalaking may bitbit na baril at mga bala, ’huli sa ‘Oplan Sita’...

Lalaking may bitbit na baril at mga bala, ’huli sa ‘Oplan Sita’ sa SJDM

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Arestado ang isang lalaki matapos tangkaing tumakas sa isinagawang Oplan Sita ng pulisya at makumpiskahan ng mga baril at bala sa City of San Jose Del Monte, Bulacan.

Ayon kay P/Lt. Col. Reyson M. Bagain, Chief of Police ng SJDM City Police Station, naganap ang insidente bandang alas-10ng gabi noong Sabado (Abril 4) sa Bijasa Road, Brgy. Gaya-Gaya, SJDM, Bulacan habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga kapulisan.

Sa naturang operasyon, isang lalaking sakay ng isang motorsiklo ang pinahinto ng mga pulis para sa inspeksyon. Sa halip na huminto, bigla itong nag-U-turn at tinangkang tumakas na nagresulta sa maikling habulan. Kalaunan ay naharang at naaresto ang suspek na isang 38 taong gulang na residente ng Brgy. Gaya-Gaya, SJDM, Bulacan.

Napansin ng mga pulis ang isang caliber .45 Colt pistol na may serial number 573384 na nakasukbit sa kanyang baywang at may kargang 6 na live ammunition.

Sa isinagawang protective search, narekober pa ang isa pang Armscor caliber .45 pistol na may serial number 461997 at apat na magazine na may lamang 15 bala ng caliber .45 hollow-point ammunition. Nabigo ang suspek na magpakita ng anumang legal na dokumento para sa mga nasabing baril. Dahil dito, siya ay agad na inaresto.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong Disobedience to an Agent of a Person in Authority at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act laban sa suspek.

Pinagtibay ni P/Col. Jay b. Baybayan, Officer-In-Charge ng Bulacan Police Provincial Office, ang patuloy na pagpapatupad ng mga operasyon tulad ng OPLAN SITA upang mapigilan ang pagdadala ng ilegal na armas at matiyak ang kaligtasan ng publiko sa lalawigan ng Bulacan. Binigyang-diin niya na mananatiling mahigpit ang pagpapatupad ng batas laban sa mga lumalabag dito. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News