PORMAL nang nanumpa si dating Bulacan Governor Josefina “Josie” Dela Cruz sa harapan ni Gob. Daniel R. Fernando bilang bagong Commissioner ng Panlalawigang Komisyon ng Kababaihan sa Bulacan (PKKB) kung saan isang mahalaga at dakilang misyon ang ilalatag ng kanyang liderato para pangunahan ang mga sektor ng kababaihan sa lalawigan sa pagtataguyod ng mga epektibong programa na ang pinakalundo ay progreso ng kanilang hanay at maging huwaran sa lahat dahil sa taglay na determinasyon at matalinong bisyon upang patatagin ang pundasyon ng kanilang samahan sa Bulacan. (PPAO)
(Source: RDM)

