LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Ipinagdiwang ng mga Pandieño ang ika-80 Founding Anniversary ng Bayan ng Pandi sa pangunguna ni Mayor Enrico Roque nitong Monday (April 13).
May temang “Pamana ng Kahapon, Diwa ng Ngayon”, ang bumubuo ng Pamahalaang Bayan ng Pandi kabilang ang mga miembro ng Sangguniang Bayan ay sama-samang itinataas ang watawat na may puso ng pasasalamat at pagmamalaki.

Ayon kay Mayor Roque, mula sa hindi kilalang bayan, na ngayon po ay kinikilala na sa lalawigan ng Bulacan. Hindi po ito sa galing ng iilan, kundi sa pagkakaisa, pagtutulungan, at malasakit ng bawat isang Pandieño.

“Sa bawat hakbang ng ating nakaraan, dala po natin ang inspirasyon upang patuloy na bumuo ng mas maunlad, mas matatag, at mas nagkakaisang Pandi. Isang pagpupugay sa ating kasaysayan at isang matibay na pangako para sa ating kinabukasan,” dagdag pa ng alkalde.
Mabuhay ang Bayan ng Pandi!
Mabuhay ang bawat Pandieño! (UnliNews Online)

