Saturday, April 18, 2026
Amana Water Park
HomeProvincial NewsBulacan UnliNewsHoldaper patay sa agawan ng baril sa tanod

Holdaper patay sa agawan ng baril sa tanod

CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan — Patay ang isa sa dalawang holdaper matapos makipagbuno sa isang chief tanod na dating pulis sa Sitio Gitna, Brgy. Balasing, Sta. Maria, Bulacan nu’ng Huwebes ng madaling araw (April 16).

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Mark Louie, hepe ng Sta. Maria MPS, kinilala ang nasawing suspek na si alias Gerry na naka-tattoo sa parteng likod ng katawan nito.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-2 ng madaling araw ng magsumbong ang isang lalaki na lulan ng motorsiklo na biktima na may dalawang lalaki umano na sakay ng itim na motorsiklo ang nagtangkang mangholdap sa kanya.

Mabilis na nagsagawa ng dragnet operation ang mga barangay tanod kasama ang force multipliers sa nabanggit na lugar.

Sakto namang naharang ng mga nagro-rondang tanod na pinamumunuan ni Deputy Ex-O na si Gerry Atanacio, retired pulis ng HPG Crame ang mga suspek.

Agad na pinahinto ng mga barangay tanod ang mga suspek at inutusang patayin ang makina ng kanilang motorsiklo.

Pero bumunot ng baril ang lalaking back ride ng motorsiklo at itinutok ito sa mga tanod.

Mabilis namang nahawakan ng dating pulis ang baril ng suspek kung saan ilang minuto rin silang nagpambuno, hanggang sa pumutok ang baril na tumama sa tiyan ng suspek na tumagos sa likuran nito na naging sanhi ng pagkamatay ng suspek.

Agad naman na nakatakas ang driver ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Sapang Palay, City of San Jose Del Monte.

Narekober ng pulisya sa crime scene ang isang .45 na pistola at dalawang fired cartridge cases ng caliber .45.

Naglabas naman ang Sta. Maria Police ng flash alarm sa mga kalapit na bayan para sa maagap na pagtunton sa tumakas na suspek. (UnliNews Online)

Manny D. Balbin
Manny D. Balbinhttp://unlinews.org
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, founder and editor-in-chief of UNLINEWS ONLINE and UNLINEWS Digital Newspaper, is a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated college with Philosophy and Political Science courses at the University of Santo Tomas, Legazpi City. A former Journal Group of Publication (People's Journal, People's Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before, he simultaneously contributed news articles to 3 local newspapers in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). He is the founder and the former editor-in-chief of RONDA Balita, both in weekly newspaper and online news. A former Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.
RELATED ARTICLES

WE ENDORSE

FOLLOW US ON FACEBOOK

Latest News